Chapter 11

2K 35 0
                                    

May isang lalaking prenteng nakaupo sa kanyang opisina, biglang nagbukas ang pinto at iniluwa nito ang isa niyang tauhan.

"Any news?" tanong nito sa tauhan.

Tumango naman ito at inilahad sa kanya ang isang envelop. "Ito na ang mga impormasyon na hinahanap niyo pero hindi po 'yan lahat kumpleto dahil mahirap makakuha ng iba pang impormasyon tungkol sa kanya dahil lahat 'yon ay puro naka confidential."

Mabilis namang binuksan ng lalaki ang binigay sa kanya ng tauhan. Naikuyom niya naman ang kanyang kamao habang binabasa ang nakalagay sa envelop. "Talagang naging kilala na siya sa larangan ng business at nagkaroon ng maraming negosyo. Mukhang nakalimutan niya na rin ang ginawa niya sa pamilya ko." anas ng lalaki.

"Hintayin niya lang ang paghihiganti ko dahil sa ginawa niya sa buhay namin. Ipaparanas ko din sa kanya ang naranasan ko at triple pa 'yon sa sakit na pinagdaanan ko. Papatayin ko siya ng paunti unti sa sakit, uunahin ko ang mga taong mahalaga sa kanya." dagdag pa nito at tinungga ang alak sa baso na kanyang hawak.

Napansin niyang may nalaglag na dalawang picture sa paanan nito kaya yumuko siya para kunin ito at tingnan. "Sino naman ito? Anong kinalaman nito kay Hunter?" tanong nito sa kanyang tauhan.

"She is Linnea Georgia Villareal, she is a journalist. Base sa nasagap kung impormasyon ay ilang beses ng nakita na magkasama sila ni Hunter."

Tumango naman ang lalaki habang may sumisilay na kakaibang ngiti sa kanyang labi.

"Kung gano'n ay may kinalaman ang babaeng ito sa buhay ni gagong 'yon, I know him very well, he flirts pero mabilis siyang magpalit ng babae maliban dito sa babaeng sinabi mo. Mukhang may kakaibang relasyon ang dalawang ito. Kailangan mong hanapin ang tungkol sa Linnea na ito and be sure to report it to me." utos niya sa tauhan at agad naman itong umalis.

Naiwang mag isa ang lalaki sa kanyang opisina habang hawak hawak ang litrato ni Linnea. "Mukhang may magagamit na ako sa paghihiganti ko at sisimulan ko ito sa babaeng 'to. Siya ang una kung gagamitin laban kay Hunter.- isip nito.

FASTFORWARD ...

Maagang gumising si Linnea dahil balak niyang bisitahin ang kanyang kaibigan na si Ciara, matagal na din simula ng huli silang magkita dahil naging busy din ito. Nang matapos na siyang mag ayos ay nag book lang siya ng grab.

Nang makarating na siya sa harap ng bahay ng kaibigan niya ay agad siyang nagbayad at bumaba, pipindot pa lang sana siya ng doorbell ng biglang may lumapit sa kanya at bago pa siya makasigaw ay mabilis na tinakpan ng lalaki ang kanyang bibig ng panyo at mukhang may gamot ito dahil nararamdaman niyang unti unti na siya nawawalan ng malay.

Nagising na lang ito na masakit ang ulo marahil ay dahil sa gamot na ipinaamoy sa kanya. Inilibot niya ang kanyang paningin at hindi siya pamilyar sa lugar na 'yon. Iniisip niya na baka pakana na naman ito ni Hunter dahil wala namang ibang gagawa sa kanya nito kung hindi ang binata, pero mabilis niya din itong iwinaksi sa kanyang isip dahil alam niyang okay naman na sila kaya malabong ipakidnap siya nito.

Nang naging malinaw na ang paningin niya ay may napansin siyang nakaupo sa gilid. "H-hunter? Ikaw ba 'yan?" tanong nito.

"Oh, you think I am Hunter? But sorry to say I am not him." sagot ng boses ng lalaki sa kanya.

Kumunot naman ang noo ni Linnea ng mapagtanto na hindi nga si Hunter ang lalaking kasama niya sa silid na 'yon. "S-sino ka?" tanong ulit ng dalaga.

"You look scared huh? Mas maganda at sexy ka pala sa malapitan." wika ng lalaki at unti unti na itong lumapit sa dalaga.

Napanganga naman si Linnea ng makita ng malinaw ang lalaki. Aaminin niya na gwapo din ito at may matipunong katawan pero para sa kanya mas gwapo si Hunter.

Billionaire's Series 1 : Hunter's POSSESSION (COMPLETE)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz