Special Chapter Part 2

978 17 0
                                    

Hunter POV

It's been three days pero hindi pa din umuuwi si Linnea, ilang beses na akong tumawag sa kanya pero hindi niya ito sinasagot. Hanggang sa mga sumunod pang araw ay nakapatay na ang kanyang phone.

Halos wala akong sapat na tulog sa kakaisip kay Linnea. Tinanong ko na si Aiden kung tumawag sa kanya ito pero hindi naman daw, pumunta na din ako sa bahay ni Ciara para tingnan kung nando'n siya pero wala din. Hindi ko na alam kung saan ko siya hahanapin. 

Alam kung nagtatampo siya sa akin dahil kay Kim pero pinaliwanag ko naman sa kanya na wala siyang dapat ikabahala dahil business partners lang naman kami kaya wala siyang dapat ikaselos. Hindi ko naman kinakalimutan ang family day namin, uuwi naman ako agad dapat ng araw na 'yon. Hindi ko inaasahan na makikita ko siya sa mall.

Kasalukuyan akong nasa opisina pero wala akong gana na magtrabaho dahil sa pag aalala sa asawa ko. Hindi ko alam kung saan pa siya pwedeng pumunta dahil wala naman na akong natatandaan na lugar na pwede niyang tuluyan.

"Anong mukha 'yan Hunter?" tinig kung boses ni Aiden ng pumasok siya sa opisina ko.

"Tigilan mo ako Aiden, wala akong panahon makipagbiruan." seryosong turan ko. 

"Wooh! Chill pre. Masyadong mainit ang ulo mo porke't wala lang si Linnea."

Hindi ko na lang pinansin ang kanyang sinasabi at itinuon na lang ang tingin ko sa mga papeles na nasa harap ko.

"Hindi mo matatapos 'yang mga papeles kung tititiigan mo lang. Kung ako sayo ay umuwi ka na lang at magpahinga."

"Ayoko, uuwi ako ng wala ang asawa ko? Psh!" naiiritang turan ko.

"Nando'n naman ang anak mo, uuwi din naman si Linnea. Ano ba kasing nangyari?"

Bumuntong hininga naman ako at naikwento ko sa kanya ang totoong nangyari, kung bakit umalis ang asawa ko at hanggang ngayon ay hindi ko alam kung nasaan.

"Now I get it, natural lang naman na masaktan ang asawa mo."

"Narinig mo ba ang sinabi ko? May rason naman ako kung bakit ako nasa mall." depensa ko.

"Iyon na nga nando'n na tayo pero syempre hindi niya alam dahil wala ka naman sinabi sa kanya. Ang sinabi mo lang ay may tatapusin lang kayo at saka pipirma ng kontrata at uuwi ka na. Tapos makikita ka niyang kasama ang babaeng pinagseselosan niya. Syempre kung ikaw din naman sa posisyon ni Linnea masasaktan ka din."

"Hindi ba pwedeng kausapin niya muna ako? Hayaan niya muna akong magpaliwanag?" puno ng hinanakit na turan ko.

"Kapag ba nakita mo ang asawa mo na may kasamang iba maiisip mo pa 'yan? Pinapangunahan talaga tayo ng emosyon. Mas mauuna natin maramdaman ang sakit kaysa paliwanag ng tao."

"Alam ko naman ang kamalian ko, pero sana hindi siya umalis ng hindi ko alam. Pwede naman siyang umuwi sa bahay atlis hindi ako mag aalala kung nasaan siya." saad ko.

"Ayaw ka sigurong makita o makausap kaya hindi na muna siya umuwi."

"Sana inisip niya na may anak kami na naghihintay sa kanya. Ayos lang na galit siya sa akin pero umuwi siya sa bahay. It's been fucking three days na at wala man lang akong alam kung nasaan siya, kung maayos lang ba ang lagay niya, kung nakakakain pa ba siya ng maayos." anas ko.

Nakita ko naman ang pag ngisi niya na animo'y tuwang tuwa sa kung ano na sinasabi ko. Minsan gusto ko na lang talaga suntukin ang lalaking 'to. Napapaisip na tuloy ako kung tama bang niligtas ko siya o sana tinuluyan ko na lang talaga at ng manahimik na ng tuluyan.

"Hoy Hunter! Alam ko 'yang mga ganyang tinginan mo. Siguro pinapatay mo na ako sa isip mo." biglang sigaw niya sa akin.

"Buti naman alam mo, kapag hindi ka pa umalis sa harapan ko ay baka mailibing na kita ng buhay." naiiritang turan ko.

Tumawa naman ang gago at saka tumayo. "Init ng ulo mo, pati ako nadadamay. Aalis na nga ako dahil 'yan naman ang gusto mo eh. Mukhang ayaw mo pang makita ang asawa mo kaya hindi ko sasabihin."

Nagpintig naman ang tainga ko dahil sa sinabi niya, mahina lang 'yon pero malinaw kung naririnig. "Stop right there fucker! Anong sinasabi mo? Don't tell me na alam mo kung nasaan ang asawa ko! Matutuluyan ka talaga sa akin na gago ka." singhal ko sa kanya.

Tumigil naman siya sa pagbukas ng pinto at nakangising tumingin sa akin. "Magkano offer mo?"

"Presyo ng buhay mo." seryosong sagot ko sa kanya.

"Easy fucker, ligtas naman ang asawa mo. Hoy! Wala akong kasalanan ha. Sadyang mapilit lang si Linnea at binantaan ako na huwag sasabihin sayo." paliwanag niya.

Tumayo naman ako at lumapit sa kanya. "Nasaan ang asawa ko?" madiin na pagbigkas ko.

"Nasa condo ko." maikling sagot niya.

"Tangina mo!" sigaw ko sa kanya.

"I know, so aalis na ako para unahan ka makauwi dahil baka mapatay ako ng asawa mo."

"Hintayin mo ako." saad ko at tumango naman siya.

 Agad naman akong bumalik sa table ko at inayos ang mga papeles na nakapatong dito at pagkatapos ay pinatay ko na ang laptop ko.

Hinubad ko ang suot kung suit at saka binitbit na lang ito habang si Aiden naman ay nakatayo lang malapit sa pinto.

Sabay na kaming lumabas sa opisina ko, sinabihan ko na lang ang sekretarya ko na maagang uuwi dahil may importante akong pupuntahan at kung may meeting man ako na naka schedule at icancel niya na lang o kaya iparesched niya sa susunod na araw at agad naman siyang tumalima. Mas importante sa akin ang asawa ko, kailangan ko siyang makausap at saka maiuwi sa bahay.

"Sasabay ka ba sakin?" tanong sa akin ni Aiden ng makalabas kami sa kompanya.

Umiling naman ako. "I have my car with me. I'll use it." sagot ko sa kanya at tumango naman siya sabay pasok sa kanyang sasakyan.

Nang makasakay na ako sa sasakyan ko ay mabilis akong nagmaneho. Tangina talaga nitong si Aiden, alam niya pala kung nasaan ang asawa ko pero pinaabot niya pa ng tatlong araw. Ang galing umarte ng gago, ilang beses ko siyang tinanong pero pinanindigan niya talaga na wala siyang alam tapos sa kanya naman pala namalagi.

Billionaire's Series 1 : Hunter's POSSESSION (COMPLETE)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang