Chapter 15

1.1K 18 0
                                    

Aiden POV

Nang makarating kami sa isang bahay ko ay inutusan ko ang mga tauhan ko na kasama na dalhin muna si Linnea sa kwarto para makapagpahinga at ako naman ay pumunta sa kwarto ko para gamutin ang sugat ko. Sanay na ako sa ganitong sitwasyon kaya hindi na bago sa akin ang bagay na ito.

Habang ginagamot ko ang sugat ko ay nakita kung tumatawag si Hunter sa akin kaya agad ko itong sinagot.

"Aiden." seryosong sambit niya sa pangalan ko, alam kung galit siya.

"Anong kailangan mo? Is is about Linnea? Wala pang isang araw ng mahiram ko siya namimiss mo na agad." pabirong turan ko.

"Hindi ako nakikipag biruan sa'yo Aiden. Anong kailangan mo para ibalik mo sa akin si Linnea."

"Oh is that so? Mukhang in love ka na sa babaeng 'yon para ibigay ang kailangan ko mabawi mo lang siya. Napapaisip na tuloy ako kung ano ba ang hihingin ko sa'yo." saad ko.

"Huwag ka g makipaglaro sa akin dahil alam kung hindi mo ako kaya Aiden. I will do everything for Linnea kaya kung ano man ang gusto mo ay ibibigay ko." determinadong saad ng nasa kabilang linya.

"Wala din naman akong plano na makipaglaro sayo Hunter, kung inaakala mo na katulad pa din ako dati na mahina ay nagkakamali ka. Kung gusto mong mabawi ulit ang babaeng 'to ay ibigay mo sa akin ang mga ari arian mo pati ang lahat ng pangalan ng mga investors mo. Kaya mo kaya?" panghahamon ko sa kanya. Alam kung hindi iya gagawin ang bagay na 'yon dahil pinaghirapan niya.

Ilang beses kung narinig ang kayang pagbuntong hininga, alam kung hindi niya kayang ibigay ang ilang taon na pinaghirapan niya para lang sa isang babae.

FASTFORWARD...

Isang buwan na ang lumipas ng kunin ko si Linnea at hanggang ngayon ay hindi pa kami ulit nagkakausap ni Hunter, mukhang nahihirapan siyang magdesisyon kung ibibigay niya ba ang hinihingi ko para sa babaeng 'to o hindi. Ilang beses na din nagmakaawa sa akin si Linnea na palayain ko na siya pero hindi ako pumayag at kahit na makausap si Hunter ay hindi ako sumang ayon.

Alam kung galit ang nararamdaman ni Linnea sa akin, sino ba namang hindi? Sa loob ng isang buwan na kasama ko siya ay ginagamit ko ang kanyang katawan kapag gusto ko. Alam ko na ang gago ko para gawin ito sa kanya pero hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit nagugustuhan ko siya kahit na hindi dapat. Alam kung pagmamay ari siya ni Hunter at kahit kailan ay hindi siya mapapasakin.

Tinawagan ko din si Nay Belen isa sa matagal ng naninilbihan sa akin ng pamilya ko. Kahit na wala na ang mga magulang ko ay hindi niya ako iniwan, siya ang tumayong magulang ko hanggang sa lumaki ako, kilala niya din si Hunter.

Linnea POV

Pumunta ako sa kusina para uminom ng tubig ng makita ko si Nay Belen na nagluluto. "Gising ka na pala iha, akala ko ay tulog ka." saad niya.

Ngumiti naman ako sa kanya. "Hindi naman ako natulog, nasa kwarto lang po ako." sagot ko sa kanya at umupo muna para panoorin ang kanyang ginagawa.

"Alam mo Linnea kahit na ngayon lang kita nakita ay magaan na ang loob ko sayo, alam kung mabuti kang tao. Nang tinawagan ako ni Aiden at pinapunta niya ako dito ay masaya ako dahil makikita ko na ulit siya, minsan na lang kasi siya umuwi sa bahay na ito. Marami ng pinagdaanan ang batang 'yan at saksi ako do'n dahil ako ang nagpalaki sa kanya at ngayon ko lang ulit siyag makitang masaya at 'yon ay dahil sayo. Sa tuwing pinagmamasdan ko siya ngayon ay alam kung totoo ang mga ngiti sa kanyang labi kapag pinagmamasdan ka niya hindi kagaya dati na akala mo'y pasan niya ang lahat ng problema sa mundo." pahabang pagkwento niya sa akin.

"Totoo po ba 'yan? Sa totoo lang ay hindi ko alam kung maniniwala po ako sa mga sinabi niyo. Hindi kasi maganda ang pagkakilala naming dalawa." saad ko.

"Hindi kita masisisi iha kung iba ang pagkakilala mo sa kanya, pero sinasabi ko sayo na mabait ang alaga ko. May mabuting puso 'yan kagaya ng mga magulang niya."

Hindi na ako nagsalita pa dahil wala naman akong sasabihin, siguro nga ay tama siya dahil kilala iya na ito ng lubusan dahil siya na halos ang kasama nito sa paglaki. Pero hindi pa rin magbabago na nasaktan at pinagsamantalahan ako ni Aiden.

"Ahm, nay Belen pwede po bang magtanong?" saada ko ng may maalala ako.

"Oo naman, ano ba 'yon iha?"

"Kilala niyo po ba si Hunter?"

Tumingin naman siya sa akin. "Hunter Silvestre ba ang tinutukoy mo iha?" paninigurado nito at tumango naman ako.

"Hindi ko po kasi alam kung anong meron sa kanilang dalawa ni Aiden, simula ng makilala ko sila ay madalas silang nagkakainitan." anas ko.

Nakita ko naman ang pagbuntong hininga niya. "Alam mo dati ay halos hindi mo mapaghihiwalay ang dalawang 'yan dahil sa sobrang close nila sa isa't isa. Halos magkapatid na ang turingan nilang dalawa at nabago lang 'yon ng mamatay ang mga magulang ni Aiden dahil si Hunter ang sinisisi niya kung bakit nangyari 'yon."

Napasinghap naman ako ng marinig ang sinabi niya. Hindi ko alam na malalim pala talaga ang pinanggagalingan ng alitan nila na dati ay akala ko simpleng away lang ang meron sila sa business.

"Bakit naman po? Sa tingin niyo ba kasalanan ni Hunter ang lahat?"tanong ko sa kanya, interesado kasi akong malaman ang nakaraan ng dalawa dahil nagbabakasakali akong darating ang araw na magkaayos pa sila.

Umiling naman ang ginang. "Walang kasalanan si Hunter sa pagkamatay ng magulang ni Aiden, alam naman natin na hindi madali ang ginagalawan nila. Kilala at sikat sa larangan ng business ang daddy ni Aiden at marami itong kakompetemsya na gustong ma agaw ang kung anong meron sa kanila. Namatay sa ambush ang daddy ni Aiden at namatay naman ang mommy niya dahil hindi kinaya ang pagkamatay ng kanyang asawa kaya inatake ito sa puso. At hindi 'yon matanggap ni Aiden dahil kasama ng mga panahon na 'yon ng daddy niya si Hunter ng mangyari ang trahedyang 'yon, muntik na din siyang mamatay kung hindi lang agad naagapan."

Napatango naman ako dahil sa sinabi niya, kung tutuusin ay wala talagang kasalanan si Hunter sadyang naghanap lang ng masisisi si Aiden para maibsan ang sakit na nararamdaman niya pero hindi naman tama na sa iba niya isisi ang lahat. Muntik na din mamatay si Hunter dahil sa nangyari at alam kung hindi din niya 'yon ginusto.

Nang matapos ng magluto si Nay Belen ay nauna na akong kumain, hindi ko na hinintay pa si Aiden dahil galit pa din ako sa kanya, wala naman siyang mapapala sa pagkulong sa akin pero alam kung ginagamit niya ako laban kay Hunter. As if naman may makukuha siya eh wala naman pakialam sa akin ang lalaking 'yon, nagsasayang lang siya ng oras niya. Pinapagod niya lang ang sarili niya sa paghihiganti sa taong wala naman kasalanan sa kanya. Kung tutuusin ay kaya naman siyang ipapatay o ipakulong ni Hunter pero hindi ginagawa ng lalaking 'yon marahil ay iniisip pa din ni Hunter ang naging samahan nila dati pero siya galit at paghihiganti lang ang pinapairal.

Billionaire's Series 1 : Hunter's POSSESSION (COMPLETE)Where stories live. Discover now