:: plumang luhaan

18 2 0
                                    

Hindi ko alam kung
anong isusulat kong tula.
Ang sakit kasi ng mga
sinabi mo, Sinta.

Hindi ko batid kung
tinta ba o luha
Pumapatak sa kupas
kong lonta.

Akala ko ba 'pag
nasasaktan ang makata
Mas may maisusulat
siyang piyesa?

Ngunit nasa'n na ang
mga letra at salita
Pati na rin ang paksa
ng gagawing tula?

Ba't kay hirap nang
punuin ang papel?
Ba't tila sa pighati,
puso ko'y pasisiil?

Sinta, bibitiw ka na
ba talaga?
Iyan na ba ang huli
mong pasya?

Ba't ang dali lang para sa'yo
kalimutan ating mga alaala?
Pinahalagahan at minahal
mo nga ba akong talaga?

Marahil, dito na nga
nagtatapos ating istorya.
Kumakapit pa ako,
ngunit sumuko ka na.

Maaari ko bang marinig
ang huling "Mahal kita"
Bago ako tuluyang maglaho
sa piling mo, Sinta?

Pangako, pananatilihin
kong buhay sa alaala
Kahit na ang puso
mo nakalimutan na.

Salamat, dumating
ka sa buhay ko
Upang saktan at
iwan ako sa dulo.

Isang Daang Tula Para sa Isang Estranghera Where stories live. Discover now