Ikaw ang nagsisilbi kong tahanan
Sa kabila ng magulong mundo, ika'y uuwian.Ikaw ang kanlungan na aking tatakbuhan
Sa t'wing naliligaw, ika'y kumpas ng daan.Kadilimang lumulunod sa nararamdaman
Kinulayan mo't binigyan ng kahulugan.Sa mga sandaling sarili'y 'di maunawaan
Niyakap mo ng katiyakan at katiwasayan.Pagmamahal na alay mo'y 'di mapantayan
Kapag kasama ka, tuwa'y 'di mapagsidlan.Ngunit ang lahat ay nagbago nang biglaan
Sa isang iglap, winasak ang puso't nilisan.Inakala kong hanggang walang hanggan
Mayroong nag-aantay pala na hangganan.Nasa'n na dating tahanang pinananahanan?
Ayun, iba na ang pinagbubuksan ng pintuan.
JE LEEST
Isang Daang Tula Para sa Isang Estranghera
Poëzie"If a poet loves you, you will never die." I'm just a mediocre poet who never believed I will cross path with love. But destiny really works in a mysterious way. The moon may wax and wane and ocean may ebb and flow, yet poetry will remain constant...