:: punyal at lason

18 3 0
                                    


Kinakalawang punyal sa dibdib nakatasak, sakaling masulyapang sa iba nakapulupot mga malulusog na brasong singlambot ng kumot

Lasong nakamamatay kung matikman ng bibig, sakaling masumpungan mga labi niyong naglalampungan sa ilalim ng buwang sa dilim ay bumabalot

Mahal, batid sa sarili ang bahid ng kakulangan at kamalian, ngunit pag-ibig sa 'yo'y dalisay kahit nangingimbulo sa kadahilanang nararamdamang takot

Nagsusumamo ang damdamin, nawa'y h'wag munang kakalas sa yakap at halik 'pagkat 'di kakayaning pasanin ang hapdi at sakit kung pag-ibig saki'y ipagdamot.

Isang Daang Tula Para sa Isang Estranghera Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz