:: bigkas ng puso

16 2 0
                                    

Marami akong nais sabihin at aminin
Ngunit iniisip ko ang maging damdamin
Sakaling maibato ang mga sasambitin
Pag-ibig mo kaya ay maging ganun pa rin?

Kung kaya ititikom ang aking bibig
At hayaan ang dibdid sa pagkabig
Sa kabila ng agam-agam at pagkaligalig
Nangingibabaw pa rin ang aking pag-ibig.

Ikaw pa rin ang pipiliin ko sa bawat t'wina
Ikaw parati ang hanap-hanap ko, Sinta
Ikaw lang ang naging katiyakan at tama
Ikaw lang at hindi ipagpapalit sa iba.

Isang Daang Tula Para sa Isang Estranghera حيث تعيش القصص. اكتشف الآن