Minsan, napapaisip ako kung nasasabik ka pa kaya na mabasa ang bawat tula na sinusulat ko para sa'yo?
O isa na lamang itong pangkaraniwang bagay na tila ba normal lang tulad ng hanging dumadampi sa balat mo?
May boltahe pa bang dumadaloy mula sa pinakamaliit na daliri sa iyong paa patungo sa dulo ng hibla ng iyong buhok?
O isa na lamang itong ordinaryong tinapay tulad ng pandesal na hahayaan na lang sa sulok hanggang sa amagin at mabulok?
Sinta, hindi ko na batid kung may katotohanan pa ba sa mga salitang nag-aapurahan sa iyong mga labi.
O isa na lamang itong kasinungalingang ayaw ko man paniwalaan, ngunit ako'y nagbubulag-bulaga't isinasantabi.
Nilalamon ako ng apoy ng pag-ibig para sa'yo kahit na kawangis ito ng lason na maaaring ikamamatay ko.
Ngunit mahal kita higit pa ninuman at maging sa huling hininga, ikaw pa rin ang nakakabinging isisigaw ng puso.
Mahal kita,
ngunit
taksil ka ba, Sinta?
YOU ARE READING
Isang Daang Tula Para sa Isang Estranghera
Poetry"If a poet loves you, you will never die." I'm just a mediocre poet who never believed I will cross path with love. But destiny really works in a mysterious way. The moon may wax and wane and ocean may ebb and flow, yet poetry will remain constant...