:: para sa iba

14 2 0
                                    

O kaygandang pagmasdan ang iyong mga mata
Tila nag-aapoy na diyamanteng hindi maapula.

Ano kaya ang lasa ng iyong mga labi na mapupula?
Tiyak na walang kapantay ang hatid nitong gayuma.

Kagila-gilalas ang mahiwaga mong mukha na animo'y diwata
Nakakaakit ang taglay na salamangka ng iyong mahika.

Nakakatunaw ang nanghahaplos na tinig ng iyong pagtawa
Nakakalula angking kariktang nakahulma sa'yong mukha.

Ngunit ang lahat ay isang bunga lang ng mapanlinlang na pantasya
'Pagkat ang puso'y tumitibok hindi sa akin kundi sa para sa iba.

Isang Daang Tula Para sa Isang Estranghera Where stories live. Discover now