Kasama kita
sa pagsalubong
ng paparating
na buhos ng ulan.Magkahawak
ating mga kamay
na hindi natin
namamalayan.Ang tibok ng
ating mga puso
dinig na dinig sa
buong kalawakan.Hindi patak ng ulan
ang nag-iingayan,
ngunit mga damdamin
nating nagsusumpaan.Ngunit ang lahat
ay nagbabago pati
ang ulan ay may
nakatakdang katapusan.Kasabay ng
pagtila ng ulan,Kamay ko'y
iyong binitiwan.Dagli-dagli mo
akong tinalikuranhanggang tuluyan
na mag-isang nilisan.Gayunpaman, ikaw
ay pasasalamatan.Ako'y pansamantala
mong sinilungan.'Pagkat uuwi ka rin sa
tunay mong tahanan.Tapos na ang ating
panandalian na suyuan.
![](https://img.wattpad.com/cover/329784056-288-k602566.jpg)
BẠN ĐANG ĐỌC
Isang Daang Tula Para sa Isang Estranghera
Thơ Ca"If a poet loves you, you will never die." I'm just a mediocre poet who never believed I will cross path with love. But destiny really works in a mysterious way. The moon may wax and wane and ocean may ebb and flow, yet poetry will remain constant...