:: ika-apat na tatlo

17 2 0
                                    

Pa'no kung hindi kita nakilala?
Siguro'y nanatiling nakahawla
Tila ibong hindi makalaya-laya.

Sa t'wing ako'y napapagod na
Sa mundong puno ng mga duda
Ikaw ang aking pahinga, Aking Sinta.

Niligtas mo ang puso sa kasawian
Katiyakan ko 'pag naguguluminahan
Umaakap tuwing pinangangambahan
Aking lakas kapag pinanghihinaan.

Sinta, wala akong pangako na iiwan
Sa muling pagsikat ng araw at buwan
Naroon ako at ika'y pinagmamasdan
Pag-ibig ko sa'yo'y walang kamatayan.

Isang Daang Tula Para sa Isang Estranghera Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz