:: kabig ng bibig

15 2 0
                                    

Pa'no ko
nga ba
uumpisahan?

Tila ba
ang labi'y
nagsisarahan.

Ang mga
salita'y 'di
mahagilap.

Sa mga
tala'y 'di
mahanap.

Sa mga
libro'y 'di
masiyasat

Kung tama
bang aking
Ipagtatapat

Ang lihim
ng aking
damdamin

Para sa
dilag na
mahinhin.

Maaari ba
na lamang
mahagkan

Upang sana
ay iyong
maramdaman

Ang nais
Ng puso
ipahiwatig

Na ikaw
lang ang
ipinipintig.

Isang Daang Tula Para sa Isang Estranghera Where stories live. Discover now