Susulatan kita ng
Isandaang tula
'Pagkat ito lang
Ang tanging alaala
Na maiiwan sa'yo
Ng aking mga tinta.Nawa'y iyong itago
Sa kaibuturan ng puso
Pagkat lahat ng mga ito
Ay para lamang sa'yo
Aking pag-ibig ang sentro
At ikaw ang bawat tugma nito.Hiling ko lang ay
Laging maging buhay
Mga piyesang inalay
Na binigyan ng kulay
Ng ngiting 'di mawalay
At pag-ibig na dalisay.Sakaling tayo'y lilihis
Balang araw ng lalandasin
At mga puso'y 'di na babalisbis
Tulad ng dating damdamin
Sa mga tala'y ninanais
Tayo'y muling pagtagpuin.
![](https://img.wattpad.com/cover/329784056-288-k602566.jpg)
YOU ARE READING
Isang Daang Tula Para sa Isang Estranghera
Poetry"If a poet loves you, you will never die." I'm just a mediocre poet who never believed I will cross path with love. But destiny really works in a mysterious way. The moon may wax and wane and ocean may ebb and flow, yet poetry will remain constant...