Mahal, hindi ko
Kakayanin kung
Sa iba ay mahulog
Ka nang tuluyan
At ako'y iyong iwan.Hindi ko matatanggap
Na ganoon na lamang
Nawala sa isang iglap
Ang damdamin sa akin
Na sa iba'y 'di ko nahanap.Ipagpatawad mo, Mahal
Kung marahas at sobra-sobra
Kitang mahal at minamahal
Ikaw ang katangi-tanging Binibini
Handog sa buhay ko ng Maykapal.Pasensya kung ipagdadamot ka sa iba
'Pagkat tinuturing kitang higit pa sa yaman
Kayang ipagmayabang kay Bathala
Ngunit hindi ko magagawa na hayaan
Masunggab ng iba at saki'y mawala.Sabihin man ng iba na ito'y kahibangan
Para sa'kin ito lamang ay pagmamahal
Ang tunay nitong kahulugan
Na ni sa hinagap hindi ko inakala
Sa'yo ko lang pala matatagpuan.
![](https://img.wattpad.com/cover/329784056-288-k602566.jpg)
YOU ARE READING
Isang Daang Tula Para sa Isang Estranghera
Poetry"If a poet loves you, you will never die." I'm just a mediocre poet who never believed I will cross path with love. But destiny really works in a mysterious way. The moon may wax and wane and ocean may ebb and flow, yet poetry will remain constant...