:: ambong pag-ibig

41 3 0
                                    


Umaambong dapithapon nang pagsaluhan natin ang iisang payong

Tila ba ika'y nahihiya pa, Binibini, na sa akin ay lumapit at makisilong

Ngunit hinigit ka, isiniksik sa'king tabi at sa kalangita'y pikit-matang ibinulong

"Umulan nawa nang malakas upang Binibini'y matagal pa sa'king tabi nakakulong."

Isang Daang Tula Para sa Isang Estranghera Where stories live. Discover now