:: pagkukunwari

13 3 0
                                    

Bibitiw
O aasa pa
Sa pag-ibig
Nating dal'wa
O Aking Giliw.

Nahihirapan
Naguguluhan
Kung tama pa ba
Na ika'y ipaglaban
Mahal kong Paraluman.

Sa tuwing
Nakakausap ka
Tila ba may pader
Na humahadlang
Sa ating dalawa.

Mahal mo nga ba?
O naguguluhan lang
Sa tunay na nararamdaman?
Pagkat ang puso mo
Ayaw pang kalimutan siya.

Ako ang iyong pinili
Ngunit ba't ganun?
Pakiramdam ko ay
Napipilitan ka lang
Aking Binibini.

Paano mo
Mamahalin
Nang buo
Kung siya pa rin
Ang hanap mo?

Hindi ako tanga
Ramdam kong wala
Sa'king pagmamahal
Dahil sa kaniya lang
Mula umpisa.

Ngunit bakit
Sinabi mo pa
Na "Mahal kita"
Kung ang kapalit
Sakit at pait?

Masaya ka nga ba
Sa piling ko
Aking Sinta?
O isang pagkukunwari
Ang bawat pagngiti?

Gayunpaman, totoo
Damdamin sa'yo
Nais ko lang sabihin
Maligayang pagkukunwari
Mahal ko.

Isang Daang Tula Para sa Isang Estranghera Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon