:: sa hindi inaasahan

20 2 0
                                    

Hindi kita inasam.

No'ng una'y wala
naman akong pakialam.

Kuntento na ako sa
simpleng pagmasid,

habang ako'y nasa gilid.

Hinangad ko naman
na iyong mapansin,

Ngunit ibinulong ko
na lang sa hangin.

Hinangad ko rin na
iyong masulyapan

kahit ito'y panandalian.

Kay hirap mo naman
kasing abutin

Tulad ng tala na
kay hirap sungkitin.

Ngunit kusa kang nahulog
at sa 'kin mo piniling tumalbog.

Ang puso ko'y kumakalabog.

Isang Daang Tula Para sa Isang Estranghera Where stories live. Discover now