:: sugat ng pag-ibig

16 2 0
                                    

Aking Sinta, ba't kay
hirap mong mahalin?

Bawat ginagawa mo,
nasasaktan ang damdamin.

Salita mula sa'yong bibig,
tila nais akong sakalin.

Aking Sinta, paano mo
ako nagawang saktan

Gayong ikaw ang hiling
ko sa ilalim ng buwan?

Akala ko ang lahat
ay may katotohanan,

Ngunit pag-ibig mo pala'y
pawang kasinungalingan.

Binigyan mo ako ng payong
upang aking masisilungan,

Ngunit agaran ka namang
lumisan nang tumila na ang ulan.

Aking Sinta, tinuruan mo
ako na mahalin ka,

Ngunit, 'di ko akalain,
pagmamahal mo rin
ang wawasak sa akin.

Isang Daang Tula Para sa Isang Estranghera Where stories live. Discover now