:: maghihintay

15 2 0
                                    

Kung hindi man tayo sa huli
Maaari bang sulitin natin ang sandali?

Hagkan mo ako nang labis
Markahan ang labi na 'di maalis-alis.

Yakapin mo ako na singhigpit
Ng sinturon sa baywang nakahapit.

Mahalin mo ako na tila wala ng bukas
Tiyak sa kabilang buhay ay babakas.

Kung wala ng gabing darating
Magdamag kitang nais makapiling.

Kung ang araw ay hindi na sisikat
Pangakong iibigin ka pa rin nang tapat.

Hindi man natin hawak gulong ng kapalaran
Mamahalin kita nang walang hangganan.

Ukit ng tadhana ma'y 'di mawari
Hihintayin kita sa dulo ng bahaghari.

Isang Daang Tula Para sa Isang Estranghera Where stories live. Discover now