:: pipiliin ka

18 3 0
                                    

Hindi man
Araw-araw
Kitang mahal
Ngunit, ikaw
Pa rin ang
Pipiliin ko
Aking mahal.

Hindi ako
Mangangako
Ika'y mabibigo
At ang puso
Masaktan ko
Kaya heto
Patutunayan ko
Mananatili sa'yo.

Mahal kita
Kahit na
Tutol sila
Mahal kita
Kahit pa
May duda
Mahal kita.

Ika'y pipiliin
Sa kabila
Ng pagod
Luha at sakit
Na sa puso
Ay uukit
Pero, ikaw pa rin.

Isang Daang Tula Para sa Isang Estranghera Where stories live. Discover now