Kung ang lahat ay isang panaginip
Ayoko ng magising sa pag-idlip
Maninikip ang aking dibdib
Sakaling hindi ka na masisilip.Tatanggapin ko kahit ilusyon
Tinig mo ma'y halusinasyon
Ngiti ma'y masamang aparisyon
Sasambahin ka't idedebosyon.Ito ma'y bunga ng pantasya
Paggising ko'y naglaho ka na
Magmamakaawa ako kay Bathala
Ibalik ako sa piling mo, Sinta.Mas nanaisin pang mawala sa mundo
Kaysa 'di na mahagilap iyong anino
Mas mabuti pang oras ko'y huminto
Kaysa mabuhay na wala ka hanggang dulo.
![](https://img.wattpad.com/cover/329784056-288-k602566.jpg)
YOU ARE READING
Isang Daang Tula Para sa Isang Estranghera
Poetry"If a poet loves you, you will never die." I'm just a mediocre poet who never believed I will cross path with love. But destiny really works in a mysterious way. The moon may wax and wane and ocean may ebb and flow, yet poetry will remain constant...