Gaano ba dapat kahigpit
ang hawak ko sa kamay moUpang hindi na ako mangangamba
na maagaw ka ng iba sa piling ko?O masyado bang maluwag kung kaya damdamin sa aki'y madaling nabuwag?
Gaano nga ba ka totoo ang mga
salitang mahal kita at wala ng ibaUpang panghawakan ko pa, Sinta
at patuloy ang puso ko na umasa?O masyado kong binuhos sa'yo
buong tiwala at pagmamahal ko?Gaano ba ka sapat ang isang
simpleng makatang tulad koUpang manatili ka sa aking tabi at araw-araw na mahalin ako?
O may pagkukulang sa aking mga piyesa
upang ipagpalit sa mas magaling na makata?
![](https://img.wattpad.com/cover/329784056-288-k602566.jpg)
YOU ARE READING
Isang Daang Tula Para sa Isang Estranghera
Poetry"If a poet loves you, you will never die." I'm just a mediocre poet who never believed I will cross path with love. But destiny really works in a mysterious way. The moon may wax and wane and ocean may ebb and flow, yet poetry will remain constant...