❤️

524 9 2
                                    

“Lilipas din ito, Fidel. Hindi ba sinabi ko na sayo na ang San Diego, lahat kayo ay nilikha lang at nakapaloob sa isang libro? Noong nakita mo na pumasok ako ng lagusan iyon ay patotoo na hindi ako nabibilang sa inyo kaya... itigil na lang natin ‘to. Ayaw kong mas masaktan ka pa.” Kahit pa itaboy n’ya ito at pagtaguan ay nahanap pa din siya nito sa tulong ni Crisostomo.

“A-Alam ko. Naiintindihan ko. Gusto ko lang sabihin na kahit ako man ay hindi dapat kabilang sa buhay mo at lilipas lang ang lahat ng ito... ang pagtingin ko sayo... ang pagmamahal ko'y hindi kailanman lilipas. Nasaktan man ako sa lahat ng katotohanan na ito o kahit mas masaktan pa ay hindi ako susuko na lamang. Kahit hindi ka nabibilang sa ginagalawan ko, kabilang ka at bahagi ng puso ko. M-Mahal kita at walang makakaputol ng damdamin natin para isa't isa. Palagi kitang hihintayin Ms. Klay... Aking Klay. Sana, kung hindi tayo magpang-abot sa matitira kong paghihintay sa'yo, ako'y mahintay mo. Nangangako ka ba? M-Mangako ka sa’kin.” Sa isang iglap ay yakap-yakap na siya ng nobyo nang napakahigpit at kapwa luhaan ang kanilang mga mata ng sandaling yaon. Sa gabi kung saan tila kumakaway ang buwan sa nakatakda niyang pag-uwi.

“... pangako.” Umalis siya sa pagkakayapos nito saka ito tinitigan sa mga mata. Mabilis na dumaan sa kanyang alaala ang lahat ng kanilang pinagsamahan, naninikip man ang dibdib at parehong kalong ng luha ang kanilang mga mata ay agad siyang tumingkayad upang ibigay rito ang kanyang sagot. Isang mainit na halik para sa taong kanyang pinakamamahal.

Nang gabing ‘yon ay malakas na tila pagtangis ang narinig sa buong San Diego.

“Klaaaaaaaaaay—!!!”

“K-Klay... Nasa'n ka?” paos na ang boses at halos ubos na ang lakas ni Fidel kakahanap dito dahil bigla na lang itong nawala matapos siyang alayan ng halik. Labis na kirot ang pumapalaot sa kanyang puso. Wala na ang mahal niya at umpisa na ng kanyang paghihintay.

Mas lumamig ang gabi nang magpatakan ang malakas na buhos ng ulan.

Naabutan pa siya ni Ibarra na pilit siyang iniuuwi dahil maputla na din ang kanyang mukha dulot ng mahabang oras na paglakad-takbo, halos paos at nababaliw na hinahanap ang tao na wala na.

“Ang aking si Klay ay wala na... Iniwan na niya ako, amigo... Iniwan na niya a-ako” Halos iyon lamang ang kanyang bukambibig bago dumilim nang tuluyan ang kanyang paningin.

Maria Clara at Ibarra FANFICTION (FIDELxKLAY)Where stories live. Discover now