Chapter 34

4.8K 65 1
                                    

ALYSSA POV

Nagpupumiglas ako sa mga taong nakapalibot sa akin. Kailangan kong umalis at samahan si Gael hanapin si Allison. Kailangan kong malaman kung ligtas ba ang anak ko.

"Bitawan niyo ko, parang awa niyo na! Kailangan kong puntahan ang anak ko!"

"Misis kumalma ho kayo!"

Umiling ako at patuloy pa din sa pagpupumiglas hanggang sa bumukas ang pinto at pumasok doon si Jaxon with a woman behind him.

"Let her go."

Umiiyak akong tiningnan si Jaxon, "Please. Sabihin mo sa akin kung nahanap na ba ni Gael si Allison."

Nakita kong lumunok si Jaxon at umiling dahilan para gumuho ang mundo ko, pero bigla akong nabuhayan sa sunod na sinabi niya.

"But nalocate na ni Gael ang location ni Prima, I think he's now at her mansion."

Napangiti ako dahil sa galak na naramdaman ko. I hope my son is safe!

"Gusto kong pumunta." Sabi ko

Nagulat na napatingin sa akin si Jaxon at kaagad na tumutol, "Hindi pwede. Pinasabi sa akin ni Gael na hindi ka pwedeng pumunta!"

"Pupunta ako!" Sigaw ko.

Patuloy pa ding tumutol si Jaxon na ikinagalit ko hanggang sa tumunog ang cellphone ko, kinuha ko yun at tiningnan ang message.

From: Unknown number
BLK 10 LOT 2 VENUS STREET
If you want to come and save your beloved son come to this address and make it quick.

Ps: I want you to come alone and unarmed.

Napalunok ako. Dahan dahan kong ibinaba ang cellphone ko at humiga sa kama, "Gusto ko mapag-isa."

Kaagad na pinalabas ni Jaxon ang mga doctor at sinara ang pinto para iwan ako mag isa.

I have to escape at ilagtas ang anak ko. Hindi siya pwede mapahamak, ayokong mawalan ulit ng anak.

Kaagad akong bumangon at inayos ang buhok ko, pagkatapos ay sumilip ako sa labas kung may tao ba.

Nang mapansin kong wala ay kaagad akong tumakbo palabas ng kwarto at bumaba gamit ang hagdan.

Pumara ako ng taxi nang makalabas sa hospital at nag pahatid sa address na sinend sa akin sa messages.

Hindi ako mapakali buong byahe at patingin tingin sa bintana ng taxi. Sinusubukan ko ding tawagan si Gael pero palagi akong pinapatayan ng tawag.

I hope he's safe. Sana ligtas ang mag ama ko.

Nakagat ko ang pangibabang labi ko nang mapansin na malapit na kami. Nang tumigil ay kaagad akong bumaba at pinindot ang door bell ng gate nang makarating.

Bumukas ang gate at sinalubong ako ni Prima, ngumiti siya at nag tagis naman ang bagang ko.

"Asan ang anak ko." Matigas na saad ko.

"Pasok ka."

Nag tagis ulit ang bagang ko at pumasok sa loob, kaagad akong tumakbo papasok sa loob ng mansion niya at tinawag ang pangalan ng anak ko.

"Allison! Allison!"

"Mama...!"

Kaagad ko hinanap kung saan nanggagaling ang boses na yun, akmang tatakbo na ako papunta sa taas nang maramdaman kong tinutukan ako ni Prima ng baril sa tagiliran.

"Alam mo? Simula nung dumating ka sa buhay ni Gael nawalan na ako ng papel sa buhay niya. Ikaw ang sumira sa mga pangarap at plano ko sa buhay."

Napabuga ako ng hangin at sarkastikong natawa, "Hindi mo ba maalalang wala nang kayo ng dumating ako sa buhay niya? Baliw kana, pati anak ko dinamay mo sa kabaliwan mo?"

"Anak namin siya ni Gael!"

"Hindi mo lang siya kinidnap, inangkin mo pa? Ang kapal din naman pala ng pagmumukha mo."

"This is all your fault! Lakad!"

Magy simula akong mag lakad, hawak niya ang braso ko at hinila ako paakyat sa isang kwarto. Pagkabukas non ay nasa loob ang mag ama ko.

Kaagad akon tumakbo palapit kay Allison, "Ayos kalang ba anak?"

Tumango si Allison, "Ako ba di mo tatanungin kung ayos lang ako?" Singit ni Gael.

Inirapan ko lang siya, nasa panganib na nga ang buhay namin nagagawa niya pang mag biro!

"What a lovely sight... Kung hindi kalang dumating sa buhay namin siguro ako ang nasa posisyon mo. Abunda sa pera, damit, alahas, ginto at iba pa."

Tumayo si Gael, "You know what Prima? At first I thought you were upset because my father forced me to marry someone, I thought that was the reason why you broke up with me. But no, sa bawat araw na dumadaan narealize kong hindi pala ako napilitang makipag hiwalay sayo."

Nakita ko ang pagtulo ng luha ni Prima, "I love you Gael. Mahal na mahal kita pero bakit moko iniwan para lang sa babaeng yan? Mahal mo ako diba? Balik kana sa akin."

"Prima, ikaw ang nakipag hiwalay sa ating dalawa. That was more than 7 years ago. And no, I don't love you anymore, the me who fell in love with you was the stupid and immature one. At hindi ako babalik sayo, dahil kay Alyssa ako nangakong uuwi at babalik."

Napatingin ako kay Gael, kahit sa ganitong sitwasyon nagawa mo pa ding mag sabi ng ganyan...

Nag dilim ang mukha ni Prima at napatingin sa akin, kaagad kong prinotektahan ang anak ko.

"Ikaw! Ikaw ang dahilan ng lahat ng ito!" Itinutok niya sa akin ang baril, "Gael killed my mother! He killed mama Isabela because of you! He left me because of you! Nag hirap ako dahil sayo! Lahat dahil sayo! Nasira lahat ng plano ko dahil sayo! You deserve to die! You have to die!"

Kinasa ni Prima ang baril at kaagad kong niyakap ang anak ko para protektahan. I closed my eyes when Iheard a gun shot, dahan dahan kong iminulat yun nang wala akong maramdamang sakit sa katawan ko.

Napatingin ako sa likuran ko, kay Gael na nakayakap sa akin, kaagad akong kinabahan at hinarap siya.

"G-gael! Gael? Y-you," sinuri ko ang katawan niya kung may tama ba siya pero wala akong makitang dugo.

Kaya napatingin ako kay Prima, nanlaki ang mga mata ko dahil hindi lang si Prima ang nakita ko, kundi pati si Savannah.

Kinabahan ako bigla, no, did she take the bullet?

Nakahawak si Prima sa balikat ni Savannah at mamaya maya lang ay dahan dahan siyang natumba. Napatingin ako sa katawan niyang napuno ng sarili niyang dugo.

Bigla kong naalala ang araw na dinugo ako sa mansion ni Gael, ang araw kung saan dinugo ako nung sinipa ako ni Isabela, ang araw kung saan namatay ang dalawang nag kupkop sa akin.

Nanginginig ang mga kamay kong yumakap kay Allison para di niya makita ang dugo. Naramdaman ni Gael ang panginginig ko kaya tinakpan niya ang mata ko.

"Don't look. Just keep your eyes shut. Just trust me, Alyssa."

Tumango ako at sumunod kay Gael, binuhat niya ako, gusto ko sanang tanungin kung nasaan si Allison pero inunahan niya na ako na dala dala ni Savannah si Allison.

Hunawak ako sa leeg ni Gael, I'm still trembling from the sight of the blood earlier. I have too many questions to ask Gael, but I will trust him this time; I know he's going to tell me.

PS: CURRENTLY WORKING ON 2 PARTS OF EPILOGUE.

Forced Marriage Where stories live. Discover now