Chapter 4

6K 61 8
                                    

"Good morning. You're coming with me in my office."

Nag salubong ang kilay ko, yan kaagad ang bumungad sa akin.

"Huh? Why?"

Sinulyapan niya ako ng tingin habang nag aayos ng polo niya, "Manang told me na halos hindi ka na lumalabas ng kwarto. So you're coming with me. Para naman masinagan ka ng araw."

Napayuko ako at napakurap kurap, pinoprocess ko pa ang sinabi niya pero kaagad din akong natauhan ng pinitik niya ang noo ko.

"Ow! What's that for?" Gulat na tanong ko.

"Wake up. Your coming with me." Saka siya lumabas ng kwarto.

Napadaing nalang ako at padabog na pumasok ng banyo. I have no plans on going outside today. I don't like it. I prefer on staying inside my room.

Dumeretso ako sa walk-in-closet pagkatapos kong maligo at nag bihis ng damit.

Hmm I'm going to wear my white below the knee dress. A simple white dress na pinaresan ko ng white three inch heels.

Pinatuyo ko na din ang buhok ko at hinayaan ko yun ng nakalugay, pagkatapos ay kinuha ang sling bag ko at lumabas na ng kwarto.

Pagkarating ko sa hagdan ay napatingin ako sa baba, nag aantay pala sa akin si Gael. Hindi ko man lang alam.

Bumaba na ako at napatingin sa akin si Gael, nakasunod lang ang tingin niya sa akin hanggang sa nasa harap na niya ako.

"I like the dress. It suits you." Sabi niya bago lumabas tumalikod "Sa office kana kumain ng breakfast. Pero kung gutom kana kumain kana muna. Aantayin nalang kita."

Kaagad akong umiling habang sinusundan siya, "H-hindi na. Sa office mo nalang." Baka kasi late na siya.

Napatigil sa paglalakad si Gael, nabangga pa ang ilong ko sa likod niya dahil sa biglaang pagtigil, napahawak ako sa ilong ko at hinarap ako ni Gael.

"Are you sure?" Paninigurado niya.

Tumango ako habang hawak pa din ang ilong ko. Tinalikuran na ako ni Gael pagkatapos ay lumabas na ng bahay.

Dumeretso kami sa garage at pinaandar ang sasakyang ginagamit niya palagi gamit ang car key at pinag buksan ako ng pinto.

Nag tataka pa akong tinuro ang sarili ko, sinadya niya ba yun or sadyang gentleman lang talaga si Gael?

Nag tataka namang napatingin si Gael, "What are you waiting for? Get in the car."

Kaagad akong sumunod at pumasok sa kotse, pumasok naman si Gael sa driver seat at pinaandar ang kotse.

Akmang aalis na sana kami ng napatingin siya sa akin.

"Seatbelt, Alyssa."

Tuliro akong hinanap ang seatbelt. Ay hala, ano yun? Hindi ko alam yun, paano ba 'to ikabit?

"Gael.." mahinang tawag ko sa pangalan niya.

"What?" Tila parang naiinis na sagot niya.

"Hindi ko alam paano ikabit 'to.."

Nagulat na napatitig sa akin si Gael bago kinuha ang seatbelt ko para ikabit. Pilit ko pang nilalayo ang mukha ko sa mukha niya dahil sobrang lapit non.

Pagkatapos ikabit ni Gael ang seatbelt ay umalis na kami at nag tungo sa company niya. Habnag bumabyahe ay sa labas ng bintana lang ako nakatingin.

Bukod kasi sa hospital at bahay namin dati ay wala pa akong ibang lugar na napuntahan. Hindi ako gala at ayaw kong lumabas ng bahay.

Forced Marriage Where stories live. Discover now