Chapter 2

6.8K 100 10
                                    


Tahimik akong nakaupo sa gilid ng kama habang tinutupi ang mga damit na kakatuyo lang mula sa sampayan. Hindi kasi nag papapasok ng ibang tao si Gael sa aming kwarto, at wala din akong ginagawa kaya pinaki-usapan ko si Manang na ibigay sakin ang mga damit namin ni Gael at ako na ang mag tutupi.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto at ang marahang pag sara nito.

"Did.. Did something happen last night?" Kalmadong tanong ni Gael.

Nag papasalamat akong hindi mainit ang kaniyang ulo ngayon at kalmado lang siyang nag tatanong kung hindi, hindi ko alam ang aking gagawin at sasabihin dahil sa takot.

Umiling ako at ngumiti, "No, nothing happend, you were just drunk and you fell asleep right after that."

Hindi ito sumagot, nag patuloy ako sa ginagawa ko at nang matapos na ay nilagay ko lahat yun sa walk in closet.

Paika ika pa ang lakad ko, but I did my best not to show it to him.

Pagkalabas ko ay nakita kong nakatitig lang sa akin si Gael, without emotion.

Napalunok ako, did he perhaps remember what happened last night?

"Why are you walking like that? Did I hurt you last night?"

Yes.. But I can't say it. Ayaw lang ako ni Gael, but I know that he will never hurt a woman.

"No."

"Then why—"

"Kasi nahulog ako sa hagdan kagabi habang kumukuha ng tubig, napakadilim ng bahay, I missed my steps and I fell.." pagdadahilan ko.

After I explained, rather, lied, he left without saying a word.

Napabuntong hininga ako at paika-ikang nag lakad papunta sa kama namin, para akong lalagnatin na ewan. Ang sakit ng hita ko, ang balakang ko at ang likod ko.

The moment my back touches the soft mattress of our bed, I fell asleep.

Padaing akong napabangon sa kama, nanghihina akong napahawak sa noo ko at napabuntong hininga nang maramdamang sobrang init ko. Nilagnat nga talaga ako. Well, hindi naman kataka taka yun.

Napabaling ako sa pinto nang bumukas yun, pumasok si Gael, hindi siya nakasuot ng pang trabaho niyang damit. He's only wearing a jogging pants and sando.

Napatingin ako sa hawak niya, "Ano yan..?" Tanong ko.

"Medicine. For you." Walang emosyong sabi niya.

Nilapag ni Gael ang gamot sa pinakadulo ng kama pagkatapos ay pumasok sa walk in closet.

Pagkalabas niya ay dala dala nito ang damit ko, "Go change. Ang taas ng lagnat mo."

Gumapang ako papunta sa dulo ng kama at umupo, inilahad ko ang kamay ko at binigay niya sa akin ang hawak niyang damit pagkatapos ay tumayo ako.

Pero kaagad din akong bumagsak sa sahig dahil walang lakas ang aking mga binti.

"Hindi kaba marunong mag lakad?" Pagalit na tanong nito matapos niyang makitang gumagapang ako papunta sa banyo.

"N-napilay ata ako..."

He clicked his tongue at napahiyaw ako sa sobrang gulat nang buhatin niya ako at dinala sa banyo.

Pinaupo niya ako sa bowl nang walang pag iingat kaya napaigik ako sa sobrang sakit.

"Kaya mo naman na linisin ang sarili mo?"

Tumango ako at lumabas naman siya ng banyo. Napaluha ako sa ginagawa niya. I don't like him but I also don't like how he act. I'm too soft and his personality is too cruel for me.

Sinumulan ko nang linisin ang sarili ko, umabot pa ako ng higit isang oras dahil sa sobrang bagal kong kumilo, napapadaing at napapangiwi pa ako sa sakit.

Dahan dahan akong nag lakad papuntang pinto ng banyo pagkatapos kong mag bihis at mag linis, pero bumagsak na naman ako sa sahig at sa kasamaang palad ay napahawak ako sa vase na nasa gilid ko.

Nabasag ko iyon.

Nataranta ako at mangiyak ngiyak na pinulot ang bubog, hindi alintana ang sakit at hapdi na naramdaman ko sa aking kamay dahil sa takot na marinig ako ni Gael at sigawan na naman.

Napapikit ako nang marinig ang pagbukas ng pintoan. Please... Sana hindi niya ako sigawan.

"What the hell?!"

Napahikbi ako at mas binilisan pa ang pag pulot ng bubog. Tumutulo na din ang dugo sa mga kamay ko nang may humawak sa pulsohan ko.

"What the hell are you doing?!"

Tumulo ang luha sa mga mata ko kasabay ng pagharap ko 'kay Gael na gulat na gulat sa kaniyang nakita. Sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa pulsohan ko.

Ilang minuto pa kaming nag titigan hanggang sa naramdaman kong lumuwag ang pagkakahawak niya sa pulso ko.

"What are you doing? Bakit mo pinupulot ang mga bubog?"

Kasi baka pagagalitan moko... "I-I'm sorry.."

Napailing si Gael at napabuntong hininga, pagkatapos ay binuhat ulit ako at sabay kaming lumabas ng banyo.

Nilapag niya ako sa kama namin at bumalik siya sa banyo, pagkalabas niya ay may hawak na siyang first aid kit.

"I-I can do it myself, Gael. Y-you don't have to..."

"Be quiet."

Tumahimik ako, pinagmamasdan ko si Gael na gamutin ang kamay ko, binalot niya yun, pagkatapos ay inabot sa akin ang tray ng pagkain.

"I'll feed you, since your hands are injured, mahihirapan kang sumubo ng pagkain."

'hmm' lang ang tanging sinagot ko sakaniya, habang kumakain ay di ko maiwasang mapaiwas ng tingin, dahil everytime na sinusuboan niya ako at kapag ngumunguya ako ay tinititigan niya ako.

Di ko tuloy maiwasang mailang sakaniya...

"Here, drink your meds. Papasok pa ako sa trabaho. Na-late pa ako ng dahil sayo." Sabi niya habang inaayos ang polo niya at lumabas ng silid ng walang pasabi.

Napalabi ako, kahit naman hindi ka pumasok hindi naman babagsak ang kompanya mo sa sobrang yaman ng angkan mo.

Ininom ko ang gamot na binigay ni Gael at inilapag ang baso sa bedside table dahil di ko naman kayang bumaba papuntang kusina.

Gumapang ako papunta sa unahan ng kama at humiga. Wala pang ilang minuto ay nakatulog na ako.

Napadaing ako at pilit na idinilat ang mga mata dahil naramdaman kong may yumugyug sa balikat ko, napatingin ako dito.

"Gael? What are you doing here? May.. May kailangan kaba?" Nanghihinang tanong ko.

Umiling ito, "Did you take your medicine?"

Umiling ako, "Hindi pa ako kumakain ng lunch.."

Bumuntong hininga ito sabay tayo at lumabas ng kwarto, nag tataka naman akong sinundan siya ng tingin.

Ano bang ginagawa niya dito?

Maya maya pa ay bumukas na ang pintoan at pumasok doon si Gael na may dala ng tray na pagkain at tubig.

Napabangon ako sa gulat, "What is this, Gael?"

"Food?" Sarkastikong tanong niya.

"I know, but why? Why are you doing this?"

Namewang si Gael at naiinis na napatitig sa akin, "Because you're my wife. It's my responsibility to take good care of you. Porket hindi kita gusto, papabayaan na kita, ganun ba? I hate you, I loathe you, I don't like you, but still, you are my wife. A legal wife."

Forced Marriage Where stories live. Discover now