Chapter 20

4.8K 87 18
                                    

ALYSSA POV

"Bakit mo pinalaglag ang anak ko?"

Tumaas ang dalawang kilay ko at pagak na natawa, napahawak ako sa buhok ko sa sobrang frustrasyon na naramdaman.

He want to know the truth? Okay sige, mag sakitan kaming dalawa ngayon.

"Kapal naman ng mukha mo para sabihin yan..." Bulong ko.

"Tell me why, Alyssa!!!" Sigaw niya.

Hindi ako napaigtad o natakot man lang sa sigaw niya, napatingin ako sa paligid ko, kataka taka at walang taong nanonood sa amin.

Bakit ako matatakot sa sigaw niya? Sino ba siya?

Tumawa ako, tawa na puro sakit at hinagpis sa nangyari pitong taon ang nakararaan.

"Hindi ko pinalaglag ang anak ko," sabi ko habang nakatitig sa mga mata ni Gael na hindi nag bago ang ekspresyon ang mukha.

Tinuro ko ang tiyan ko, "Binuhay ko siya kahit gaano kahirap, kahit wala na akong makain para sa sarili ko. You know what I did? Huh? Namalimos ako, Gael, namalimos ako para may makain kami. Hindi pera ang hinihingi ko sa mga taong dumadaan sa kalye kundi pagkain at tubig."

"Hindi ko mahanap si Savannah. Hindi ko alam kung nasaang lugar ako kasi hospital at mansyon mo lang naman ang pinupuntahan ko. I was 6 months pregnant when Savannah saw me begging for food to someone, sinipa niya ako kasi masyado akong namilit na bigyan niya ng pagkain. Inuwi ako ni Savannah sa boarding house niya. Pinakain niya ako at pinainom ng tubig. Pero kalaunan pinalayas din ako kasi wala naman akong pera pambayad doon eh."

"Nag trabaho ako, nag linis ng sahig, kalye, at kung ano ano pang pwede kong pasukan na trabaho."

"I was 9 months pregnant, kabuwanan ko na at dalawang linggo nalang manganganak na ako nang mahanap ako ng lola mo." Pumatak ang luha sa mga mata ko. It hurts. Damn hurts.

Tinuro ko ang sarili ko, "Kinaladkad niya ako sa gilid ng kalsada. Sinipa, binugbog."

"Walang ibang nakakakita kasi gabi yun, wala akong kalaban laban kasi ang nasa isip ko lang ay ang bata na nasa sinapupunan ko."

Nag dilim ang mukha ni Gael at halata ang galit doon, namumula na din ang kaniyang mata sa gulat.

Mas magulat pa siya. Hindi pa 'to tapos.

"Dinugo ako. It was hell, hell of pain. Sobrang sakit, halos mawalan ako ng boses kakahingi ng tulong madala lang ako sa hospital.." Pinunasan ko ang luha ko, nanlalabo ang mata ko dahil sa luhang inipon ko ng ilang taon.

"An old couple saw me bleeding, they rushed me into the nearest hospital. Nawalan na ako nun ng malay at alam mo paggising ko?"

Nanginginig ang kamay kong hinawakan ang balikat ko,

"Nasa tabi ko ang anak kong wala ng buhay..."

Napahikbi ako sa sobrang sakit. Hindi lang sila dalawa, kundi tatlo.. Tatlo ang bata na ipinag bubuntis ko. Si Gabriel, Allison at Gabby... And I lost her, I lost Gabby..

"Tulog ako ng tatlong araw, dalawang araw lumalaban ang anak ko at kasabay ng paggising ko ay binawian na siya ng buhay."

"Alam mo ba kung gaano ko hiniling na sana hindi nalang ako nagising?! Na sana siya nalang ang nabuhay na sana siya nalang ang nakaligtas."

Napalunok ako, "Kung sa inaakala mong diyan na nag tatapos ang paghahabol sa akin ng lola mo, nag kakamali ka."

"One week, isang linggo ng pagluluksa ko sa pagkawala ng anak ko, yung kapatid ko naman ang binawian ng buhay."

"I was so close, so close to giving up but I can't... I have to live." For Gabriel and Allison.

"Pagkalabas ko ng hospital, inampon ako ng dalawang mag asawa, pinatira niya ako sa maliit na bahay nila malapit sa lugar na kung saan binugbog ako ng lola mo."

"Tinuring nila akong parang tunay na anak, and I was thankful, truly..."

"And one day, Prima she showed up in front of our house. May binigay siyang litrato. Litrato ng banggkay ng dalawang taong naging mabuti sakin."

Nanginginig ako sa galit habang nakahawak sa dibdib ko.

"Inamin niya sakin lahat! Lahat lahat ang kawalanghiyang ginawa mo! Ninyo!!! Ng pamilya mo!"

Nanginginig ako sa galit na dinuro siya, "Pinatay ng lola mo ang anak ko! Inutusan mo si Prima na patayin ang kapatid ko and Prima killed those two people na walang ibang ginawa kundi ang alagaan ako!"

Shocked was written all over his face, nag tataka pa itong napailing iling sa akin na tila ba hindi makapaniwala sa narinig mula sakin.

"Hindi pa tapos. Your grandmother used her connection para hindi ako tanggapin ng mga kompanya na pinapasokan ko, karenderya man yan, maliit, malaking kompanya na pagtatrabahohan ko hindi ako tinatanggap once na marinig ang buong pangalan ko."

"But Jaxon helped me para makapasok sa Jollibee na ito." Sabi ko habang nakangiting ipinalibot ang tingin sa restaurant.

Huminga ako ng malalim, ngumiti ako sakaniya, "Ngayon mo sabihin na kung makaasta ako ay parang ako ang biktima."

Mapait akong ngumiti sakaniya, thinking all those things that I've been through.. "Because, I really am, Gael. I am the victim.."

Note: Ngayon lang nakabalik ang wifi. I hope safe kayo.
Ps: Hanggang 30 chaps ito including epilogue.

Forced Marriage Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin