Chapter 27

4.5K 72 4
                                    

Alyssa POV

Kaagad naming isinugod ni Savannah si Allison sa hospital kasama si Gabriel na inaantok pa at pinilit ang sariling magising.

Yumakap si Gabriel sa mama niya at maluha luha ang mata na napatingin kay Alyssa.

"Mama.. Okay lang po ba si, Allison? Hindi po siya mawawala diba?"

Lihim na napahikbi si Alyssa hinaplos niya ang buhok ng kaniyang anak at umiling, "Hindi.. Hindi mangyayari yun."

Ang taas ng lagnat niya kanina, kaya di na ako nag dalawang isip pa na buhatin siya at itakbo patungong hospital, kahit wala akong suot na tsinelas ayos lang, ni hindi ko alintana ang sakit at hapdi ng mga paa ko.

Lihim na nag dasal si Alyssa sa panginoon, iligtas niyo ang anak ko, please.. Wag niyo na pong kunin ang mga taong mahalaga sa akin lalong lalo na ang anak ko, hindi ko kakayanin, ikakabaliw ko na yun.

Nilapitan ko si Allison na nakahiga sa kama, tapos na siyang lagyan ng dextrose at ineexamine na ang dugo niya. Sana talaga walang masamang nangyari...

"Sav, iuwi mo muna si Gabriel, please? Bawal ang bata dito sa hospital..."

Tumango lang si Savannah at umuwi na kasama si Gabriel, ayaw pa sanang umalis ni Gabriel pero ipinaliwanag niya sa anak ang dahilan kung bakit. Napapayag niya itong umuwi.

Hinawakan ko ang kamay ni Allison at ipinahinga ang ulo ko sa higaan niya, after a few minutes I fell asleep.

Nagising ako dahil sa tapik sa aking balikat, nag angat ako ng tingin at napatayo dahil pumasok ang doctor.

"Goodevening misis, pasensya na ho at ginising ko kayo, pero wala na ho kasing ibang kasama ang bata bukod sa inyo."

"Ayos lang po.. Kamusta po ang kalagayan ng anak ko?"

Ipinaliwanag sa akin ng doctor lahat. At nang makalabas siya ay nanghihina akong napaupo sa upoan..

Kailangan ng blood donor ni Allison... His hemoglobin is too low that's why the doctor asked for blood donation.

Napasabunot ako sa buhok ko, dahil ba to sa komplikasyon ko noong nanganak ako? Dahil ba sobrang gaan ng timbang niya kaya siya nag karoon ng iron deficiency?

But Gabriel and Allison has the same rare blood type. Na marahil ay pareho sila ng blood type ni Gael.

Ab negative blood type...

Bumilis ang tibok ng puso ko at tinawagan si Savannah. Maybe AB negative din ang blood type niya.

"Sav.. Kailangan ng blood donor ni Allison."

"Ha?! Bakit?"

Ikinwento ko sakaniya ang lahat ng sinabi ng doctor..

"So, pupuntahan mo ngayon si Gael?"

Napaiyak ako, "Ayoko, Sav.. natatakot ako."

Napabuntong hininga siya, "Saan tayo hahanap ng donor?"

Nag isip isip ako, "'Kay Alexander!"

Hinalungkat ko ang bag ko at hinanap ang card na binigay niya sa anak ko noong hinatid niya papunta sa amin.

Tinawagan ko yun at limang ring bago sumagot.

"Hello?" Babae ang sumagot..

"Hi, gising paba si Alexander?" Tanong ko.

Natahimik ang kabilang linya, "Who's this?"

"Gabriel's mom. Can I talk to him, please? I need to ask him. It's very important."

Hindi sumagot ang kabilang linya kaya napatingin ako sa phone ko pero hindi niya naman binaba. Kaya inantay ko mag salita ulit.

"Hello? Alyssa?"

"Alexander! A-anong blood type mo?"

"Ahmm.. A negative, I have the same blood type with my mom, why?"

Nanlamig ako, "Mag kaiba kayo ng blood type ni Gael? Eh mag kambal kayo?"

"Uhm it's normal I guess? Why?"

Nanghihina akong napaupo, "My son need a blood donor..."

Natahimik si Alexander, "Then you should ask my brother, Alyssa.. Maybe it's time for him to know... Though I'm not forcing you."

Hindi ako sumagot at napatulala nalang, napatingin ako kay Allison. Maybe he's right..

"Can you watch over my son for a few hours, Alexander? Wala na kasi akong ibang alam na tao na pwedeng mag bantay sa anak ko." Besides ayoko tawagan si Savannah at papuntahin sa hospital, may pasok pa bukas si Gabriel at ayoko mapuyat yun.

"Yeah, sure!" Narinig ko pa siyang nag paalam sa kabilang linya bago niya binaba ang tawag.

Inantay ko pa siyang makarating dito at kasama niya ang nanay ng batang babae na nag celebrate ng birthday sa pinag tatrabaho-an ko.

So he's not Gael's girlfriend, i guess?

Nginitian ko sila, "Pupuntahan ko na si Gael."

Bago ako lumabas ay pinigilan ako ni Alexander at sinabing ihanda ko ang sarili ko. Tumango nalang ako sakaniya at ngumiti bago mag paalam.

Sumakay ako ng jeep at nag pahatid hanggang sa mansyon ni Gael, alas tres na ng madaling araw at hindi na ako nag dalawang isip pa na pindotin ang doorbell..

Nakailang pindot pa ako doon bago binuksan ni manang ang gate.

"Si Gael po?"

"Nasa loob. Alyssa, hija, bakit mo nalang ipinag-pa-bukas ang pag punta mo? Jusko, wala kapang tsinelas at alas tres e mydia na!"

"Pwede po, pakitawag si Gael? Kailangan ko ho siyang makausap.. "

"Ohh eh pumasok ka muna dine, ano ba naman iyang suot mo, hindi kaba nilalamig?"

Pumasok ako at sinara ni manang ang gate, pagaktapos ay nag mamadaling pumasok sa loob ng mansyon para tawagin si Gael.

Maya maya lang ang nakita ko ang pagbukas ng liwanag sa sala, lumabas si Gael mula sa mansyon at patakbong lumapit sa akin.

"Alyssa, anong oras na, dapat ipinag-pa-bukas—"

Hindi niya na natuloy pa ang kaniyang sasabihin dahil lumuhod na ako sa lupa.

"Alyssa! What are you doing?"

Hinawakan niya ako sa balikat at sinubokan na patayuin ako pero umiling lang ako at umiiyak na nag angat ng tingin.

"Gael.. Please save, Allison... Please save our son. I couldn't afford to lose him to... Please, I'm begging you.."

Forced Marriage Where stories live. Discover now