Chapter 28

4.6K 73 1
                                    

Alyssa POV

Gael was dumbfounded, hindi siya nakasagot pero nagawa niya akong patayuin mula sa pagkakaluhod. Hinawakan niya ang mag kabilang balikat ko at tumitig sa mata ko.

"What.. What did you just say? Baka nag kamali lang ako ng dinig, pwedeng ulitin mo?"

Napahikbi ako at napahawak sa braso niya dahil pakiramdam ko ay matutumba na ako.

"Gael, please save Allison.. Our son needs your blood, please..."

Napailing iling si Gael at mabibigat ang hiningang napayuko at tiningnan ang kabuo-han ko.

"Why are you wearing a sando? Bakit wala kang tsinelas?"

"Gael, wala na akong pakialam sa itsura ko, please, ayokong mawala ang anak ko. Ayoko nang mawalan pa, nag mamakaawa ako sayo..."

Nag tagis ang bagang ni Gael at tinawag si manang, "Manang, paki-kuha po ng tsinelas at jacket.."

Tumango si Manang at kaagad na pumasok sa mansyon, nang makalabas ay ibinigay ni Gael sa akin ang tsinelas at pinasuot ako ng Jacket.

Hinila niya ako papuntang garahe at pinagbuksan ng pinto.

Nang makapasok ay kaagad niyang pina-andar ang makina, "Saang hospital?"

Sinabi ko sakaniya ang location ng hospital. Tahimik lang kami buong byahe hanggang sa makarating kami sa hospital.

"What room?"

"Third floor, room 7."

Tumango si Gael at mabibigat ang hakbang na tinahak ang elevator. Paulit ulit niyang pinindot ang button, napamura pa siya dahil ayaw mag bukas.

Hanggang sa umalis siya at nag mamadaling tinahak ang hagdan.

Napatingin nalang ako sa papalayong bulto niya, napayuko at napaluha. Tama ba itong ginagawa ko?

Narinig ko ang pagtunog ng elevator. Kaagad akong pumasok sa elevator at ilang saglit pa ay nag bukas na iyon.

Lakad takbo ang ginawa ko makapunta lang sa room ng anak ko at pagkapasok ko doon ay nakita ko si Gael at Alexander na nag-aaway.

Akmang susuntokin na ni Gael si Alexander nang hawakan ko ang braso niya at hinila palapit sa akin.

"Tama na..! Please, wag sa kwarto ng anak ko." Pabulong na sigaw ko 'kay Gael.

Napasulyap ako kay Alexander na ngayon ay tinutulongan ni Hydee tumayo.

Nag punas ito ng dugo sa labi, "Aalis na muna kami..."

Kaagad na lumabas si Alexander at Hydee, nginitian pa ako ng fiance ni Alexander bago nag paalam.

Napasulyap ulit ako kay Gael na ngayon ay nakaupo sa upoan at hinahaplos ang kamay na may nakaturok na karayom.

"Alyssa. I know you've been through a lot and I've been trying to understand it. But is it too much na sabihin sa akin ang totoo?"

Nag simula akong kalikutin ang daliri ko, "I'm trying.. Sinubokan ko, matapos kong marinig ang paliwanag mo pero hindi ko kaya. Ayokong mawala sa akin si Allison—"

"Is that what you think? Na ilalayo ko si Allison sayo?"

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko at hindi sumagot.

"Saan ako pwede mag donate?"

Sinabi ko sakaniya kung saan siya mag dodonate ng dugo para kay Allison, ikinwento ko na din sakaniya ang dahilan kung bakit sinugod sa hospital si Allison.

Habang ako naman ay naiwan dito sa loob. Walang sinabi si Gael sa akin, wala siyang kibo, hindi niya ako sinisisi at hindi din siya nagalit na ikinatakot ko.

Paano kung kukunin niya sa akin si Allison? Paano kung ilalayo niya sa akin ang anak ko? Naikuyom ko ang kama-o ko, I have to hide Gabriel and Allison again. Kailangan ko lang ng tulong niya ngayon dahil walang wala na ako at walang pwedeng mag donate ng dugo.

Nilapitan ko ang anak ko at hinalikan sa noo, "Pagaling ka anak... Hindi kaya ni mama na makita kang ganyan." Umupo ako sa upoan at hinaplos ang buhok niya, at maya maya lang ay nakatulog na ako.

Nagising ako nang may tumatapik tapik sa pisngi ko, kaagad akong napabangon at napatingin kay Allison. Nakahinga ako ng maluwag.. Akala ko tinakas na siya ni Gael.

Kaagad akong tumayo at lumapit sa kinaroroonan ng anak ko, may nakasabit nang dugo.

"Dapat sinabi mo sakin tungkol 'kay Allison noon araw na una tayong nag kita, Alyssa."

Hinaplos ko ang buhon ng anak ko, "Sa tingin mo ba ganun kadali lahat, Gael? Matapos lahat nang mga pinag-daanan ko pamilya mo, sa tingin mo ba sobrang daling mag tiwala?"

"I know but it's kinda unfair for me, Alyssa... Nag luksa din ako sa pagkawala ng anak ko, dalawang beses akong nag luksa dalawang beses akong nawalan ng importanteng tao sa buhay ko."

Natahimik ako, nakagat ko ang pang-ibabang labi ko, am I being selfish? Hindi ko man lang naisip na pareho kaming nawalan at nasaktan.

Paano ko ngayon sasabihin sakaniya na hindi lang si Allison ang anak namin?

"Kapag na-discharge na si Allison, sa mansyon na siya titira."

Nanlamig bigla ang buong katawan ko at nanginginig ang labing napatingin kay Gael na walang emosyong nakatitig sa akin.

"Wh-what do you mean?" Dahan dahan akong napatayo, "Ilalayo mo sa akin anak ko?!"

Inirapan ako ni Gael at tumingin kay Allison, nag tagis ang bagang niya at nakita ko ang pagkuyom ng kaniyang kama-o,

"Bakit ko naman ilalayo ang ina ng anak ko? Pinapabalik nga kita sa buhay ko, tapos hindi kita isasama sa mansyon?"

Napalabi ako, "Ayokong bumalik sa mansyon."

"What? Why? Don't tell me balak mo na namang itakbo at itago ang anak ko?"

Umiling ako, "Ibabalik mo ako sa bahay na kung saan dinugo ako at kung saan inabuso ako?"

Natigil siya at nag iwas ng tingin. Napaupo naman ako sa upoan at hinahaplos ulit ang buhok ng anak ko.

"Kung ipagpapalitan mong bumalik ako sa mansyon kasama ang anak ko, hindi mangyayari yun. Mas gugustuhin ko pa sa bahay namin keysa bumalik sa mansyon mo."

"I'm sorry.. Then sa isang mansyon ko kayo titira."

Nag salubong ang kilay ko, at nag tatakang napatingin sakaniya, "May isa kapang mansyon?"

Tumango si Gael at nakangiting tumingin sa walang malay naming anak,

"Nag patayo ako ng mansyon kasi wala akong balak mag stay sa mansyon na ibinigay sa akin ng magulang ko." Tumingin siya sa akin, "Pinagawa ko yun para sa oras na mag kapamilya ako doon kami pwedeng tumira."

A/N: Lapit na ending.

Forced Marriage Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon