Chapter 23

4.6K 63 4
                                    

"Para po."

Bumaba si Gabriel at kaagad na gumilid, napatingin siya sa sobrang laking mall na nasa kanoyang harapan.

Hinigpitan niya ang pagkahawak sa kaniyang backpack at sumabay sa mga taong tumawid sa kalsada.

Kaagad na pumasok si Gabriel sa mall at nag libot.

Saan ko kaya siya mahahanap?

Tumingin si Gabriel sa mga guard at inagaw ang atensyon, "Kuya can I ask po?"

"Uy! Ano yun? Naligaw kaba?"

Umiling si Gabriel at kinuha ang phone niya, pinakita niya kay Manong guard ang picture ng lalaking nag ngangalang Gael.

"Saan ko po siya mahahanap?"

Napakamot sa batok si manong guard, "Naku bata, wala dito si Boss Gael eh!"

Bumuntong hininga si Gabriel, "But I wanted to see my father, kuya!" Pagpapadyak niya.

Nag salubong ang kilay ni Manong guard at tinitigan si Gabriel na ipinagtataka niya hanggang sa dahan dahang nanlaki ang kaniyang mga mata.

"Andito naman yung kaibigan ni Boss Gael, sir. Hatid nalang kita."

Kaagad na napangiti si Gabriel at hinawakan ang kamay ni Kuya guard, dinala siya nito sa isang gym na nasa loob ng mall.

"Pre andito ba si Sir Xyril?"

Tumango ang guard, "Oo nasa loob nag iinstruct ata. Ewan. Bakit?"

Bumulong ang guard at napatitig naman ang isang guard 'kay Gabriel at dahan dahan nanlaki ang mga mata niya.

"Gago oo nga."

Kaagad na pumasok si Gabriel at ang guard para hanapin ang kaibigan ni Gael na si Xyril.

Nang mahanap nila ay kaagad na tinawag yun ni manong guard.

"Sir Xyril, may nag hahanap po kay sir Gael, anak niya."

Nag salubong ang kilay ni Xyril sabay punas sa pawis na namumuo sa kaniyang noo, yumuko siya at tumitig kay Gabriel sabay nanlaki ang kaniyang mata.

"Damn, I didn't know that he had a son? And a fucking photo copy, what the hell? Kasing ugali niya rin kaya 'to?"

While Gabriel is confused.

Yumuko si Xyril at ginulo ang buhok ni Gabriel, "Hey.. Bakit mo hinahanap si pareng Gael?"

Habang umalis naman ang guard, ipinalibot ni Gabriel ang kaniyang paningin upang sa ganun ay walang makarinig sakanila.

"I want to meet him and ask him a few questions."

Nag tataka naman si Xyril, "Huh? Hindi ba papa mo siya? Bat gusto mo siya makilala kung nag kikita naman kayo araw araw?"

"He's not my father, i guess.."

Napanganga si Xyril at mahinang natawa, "Carbon copy ka nga ni Gael tapos sasabihin mo ngayon sakin na hindi mo siya tatay..?"

Gabriel didn't respond na ikinabuntong hininga ni Xyril, "Sige na nga, samahan kita. Baka nasa restaurant ng lolo niya si Gael."

Inilahad ni Xyril ang kaniyang kamay sa bata at tinanggap naman yun ni Gabriel, inilapag niya muna ang towel sa bench chair bago lumabas ng gym.

Nang makarating sa restaurant ay tinawag ni Xyril ang manager na kaagad namang yumuko, "Goodafternoon sir."

"Andito ba si Gonzalez?"

"Yes po sir, andito po si Sir kasama si Ma'am Hydee at ang anak nila."

Napakamot sa batok si Xyril, "Bahala na nga mag kamukha naman sila." Bulong niya.

Humigpit ang hawak ni Gabriel sa kaniyang bag nang marinig na may ibang anak si Gael.

Hinatid naman sila ng manager papunta sa vip room na kung saan andoon ang lalaking hinahanap niya.

"Uy! Hehe mangiistorbo muna, family bonding ba?" Awkward na tanong ni Xyril.

Ngumiti naman si Hydee, "it's okay, upo ka, kain tayo." Napatingin si Hydee sa bata na dahilan para dahan dahang mawala ang kaniyang ngiti sa labi at napatingin sa kaniyang kasintahan.

"Who's that child, Alexander? Bakit kamukha mo...?" Kinakabahang tanong ni Hydee.

Tulirong napatingin si Alexander sa kaniyang kasintahan, "He's not mine."

Nag tataka pang napatitig si Hydee hanggang sa unti unti niya nang naiintindihan ang sitwasyon.

Tumayo si Alexander sa kinauupoan niya at nilapitan si Xyril, "Wala si Gael dito."

"Alam ko, pero gusto siya makilala ng bata. Tsaka mag kamukha naman kayo eh, ikaw na kumausap."

Tumingin si Alexander kay Hydee, tumango lang ang babae at tumingin nama si Alexander sa bata.

Umupo si Alexander para mag pantay sila ni Gabriel, kaagad namang pinakita ni Gabriel ang kaniyang cellphone at kaagad na nag tanong.

"What's your relationship with my mama, po?"

"Uhh," napakamot sa batok si Alexander, "I'm not the guy that you wanted to meet kiddo. I'm his twin brother.."

Natahimik si Gabriel at tinuro ang batang babae na kumakain, "So she's not my half sister?"

Kaagad na umiling si Alexander, "No she's not. Uhh, nasa mansyon si Gael, hindi ko alam kung bakit ilang araw na siyang nag kukulong doon."

"Pwede ko po ba siya makita? I need to ask him a few questions and I need money."

Nagulat si Alexander sa sinabi ni Gabriel at hinawakan ang mag kabilang braso niya, "Uhm.. Just tell me your address and pupunta nalang ako doon."

Hindi sumagot si Gabriel, that's not what he wanted to hear.

"Look, I promise—"

"Okay." Kinuha ni Gabriel ang kaniyang pang grade 3 na papel at lapis pagkatapos ay inilapag sa sahig para isulat ang address ng bahay nila, pinunit niya yun at ibinigay kay Alexander.

"That's the address. You promised so please don't break it. I really need money to help my mama.."

Kaagad na tumango si Alexander at tumayo, pagtapos ay tiningnan niya si Xyril, "Ihatid mo yung bata."

Tumango lang si Xyril at nag paalam na, inilahad niya ang kaniyang kamay at tinanggap naman yun ni Gabriel.

"Hahatid na kita sa inyo, baka nag alala na ang mama mo, anong oras na oh."

Tumango lang si Gabriel at nang makarating sa parking lot ay pinag buksan siya ni Xyril ng pinto at binuhat papasok, he also put on a seatbelt bago siya pumasok sa kotse at pinaandar yun.

"I'll drive you navigate, okay?"

Tumango si Gabriel at itinuro kay Xyril ang daan papunta sa bahay nila.

I hope kuya Alexander will help my mama..

Forced Marriage Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon