Chapter 14

4.6K 67 5
                                    

Alyssa POV

Isang araw matapos maka-alis si Gael papuntang Taiwan, at isang araw na din siyang hindi tumatawag sa akin.

But it's okay, baka busy siya at madaming inaasikaso kaya hindi siya nakakatawag. Besides, Señiora Isabela took my phone and hid it from me.. Ibibigay niya lang daw kapag tumawag or nag text si Gael.

"Manang Rosita? Pwede po ba ako makahiram ng phone saglit sa inyo mamaya? Tatawagan ko lang po si Gael, kamustahin ko lang po."

"Naku, Hija. Yung cellphone namin kinuha din lahat ni Señiora. Nakakatawag naman kami sa pamilya namin pero dapat sa harap niya mismo." Sagot ni manang habang nag huhugas ng plato.

Napayuko ako, paano ko ngayon matatawagan si Gael? Paano ako matatawagan o makakamusta ni Gael kung ang mga cellphone namin ay kinuha niya?

"Hayaan mo, gagawa nalang tayo ng paraan."

Tumango nalang ako at nag patuloy sa paghihiwa ng rekados for Señiora's dinner. Simula kahapon hindi na ako nakakain sa dinning table, hindi na din ako pinapapasok ni Señiora sa kwarto namin ni Gael at pinalipat ako sa maid's quarter.

'Ang bahay ko ay bahay mo na rin'

Mapakla akong natawa, funny because I was kicked out, sa sarili pa naming bahay..

"Ihanda mo na yan at baka magalit pa sayo si Señiora. Ako na ang mag dadala ng pagkain sa mesa baka kung ano na naman ang gagawin niya sayo."

Tumango nalang ako at mas binilisan pa ang pag kilos ko. Gaya ng sabi ni Manang ay siya na ang nag hatid ng ulam sa mesa, nag papasalamat nalang ako at hindi na niya ako hinanap pa.

Nag tungo ako kaagad sa maid's quarter kung saan ang kwarto ni Manang, umupo ako doon at ipinahinga ang sarili ko.

Simula kaninang umaga pa ako kumikilos sa buong mansyon at ayaw akong pag pahingahin si Señiora. Nananakit na din ang balakang ko at nakakaramdam ako ng kaunting kirot sa tagiliran ko.

Napahawak ako sa batok ko at marahang minasahe yun.

In the next few days ganun pa din ang trato niya sa akin, ang pinag kaiba lang ay nagagawa niya na akong saktan ng pisikal.

Kung dati dinuduro duro niya lang ako ngayon nagagawa niya nang hawakan ng sobrang diin ang buhok ko kapag may hindi siya nagustohan.

"What the hell is this?! Hindi kaba talaga marunong mag timpla ng juice?! May bisita ako ngayon, can't you make a proper juice?!"

Napahawak ako sa pisngi ko at pinigilan ang sarili na umiyak sa sobrang sakit ng pagkakasampal niya. It's been months since Gael was away, inaantay ko nalang na makauwi siya ngayon..

"Señiora.."

Napatingin ako kay Manang Rosita, nag aalala siyang tumingin sa akin bago sinulyapan ulit si Señiora Isabela.

"Andito na po si Madam Prima.."

Kumabog ng sobrang lakas ang dibdib ko. Nagulat akong napatingin kay Señiora Isabela, pero nakatitig lang ito sa pintoan at inaantay na pumasok si Prima.

"Mamita..!" Masayang bati ni Prima at tumakbo patungo kay Señiora Isabela.

"Ohh, Prima! How are you?"

The two decided to talk in the living room leaving me like I was nothing.. Napayuko ako, Gael told me that this house is mine too since I'm his legal wife.

But look how it turns out..

Gusto ko sanang sumunod sa living room para itanong kung tumawag ba si Gael pero napag desisyonan ko nalang na pumasok sa kwarto ni Manang Rosita.

Forced Marriage Donde viven las historias. Descúbrelo ahora