Chapter 18

4.6K 131 7
                                    

ALYSSA POV

"Besi! Ayos kalang ba diyan sa loob? Di ka naiinitan?"

"Hindi ba obvious?"

"Bakit kasi nag volunteer ka maging mascot ni Jollibee!"

Hindi ako sumagot, the reason why inagaw ko sa katrabaho ko ang pagiging mascot niya ay dahil sa lalaking nasa aking harapan.

Birthday ng batang babaeng nag ngangalang Reah, she's celebrating her 5th birthday with Gael and her mother, that I don't know who.

Mapakla akong natawa at pinilit ang sarili kong gumalaw para sa trabaho ko.

"Jabe! Jabe! Pic! I want a picture with jabe!" Masayang ani ng bata habang nag tatalon talon pa.

Kaagad naman akong gumalaw, kumilos ako kung paano kumilos ang nakasanayan nilang mascot sa Jollibee at nakipag picture sa bata.

Habang pinapanood ang batang babae ay hindi ko maiwasang isipin si Allison. Kung wala ba siyang hika, ganyan kaya siya kalikot? Nakakatakbo? Nakakasayaw? Nakakatalon nang hindi kinakapos sa hininga?

"I know there's a person inside, may I know kung okay kalang ba?"

Nanlamig ako at tila tumayo ang lahat ng balahibo ko sa katawanan ng marinig ang boses ni Gael.

Nanginginig na sinenyasan ko siya na okay lang ako kahit sobrang bilis ng tikbok ng puso ko.

It's been 6 years. So its normal, right? Napatingin ako kay Gael at di ko maiwasang makaramdam ng galit sakaniya.

But who am I to blame him? Tinago ko din naman sakaniya so I know its imposible na malaman niyang may anak kaming dalawa.

Nang matapos ang party ay kaagad akong pumasok sa staff room at nag bihis, tagaktak ang pawis ko pero worth it naman kasi hindi ako makikita ni Gael.

Marahan kong binuksan ang pinto at akmang lalabas ng makarinig ng usapan.

"Pwede ko ba makita yung taong nasa loob ng mascot kanina? Mag papasalamat lang ako."

Humigpit ang hawak ko sa doorknob at hinila palapit sa akin ang katrabaho ko, "Ikaw ang mag pakilalang mascot."

"Ha? Eh baka bigyan ako ng tip! Wag na—"

"Edi sayo na." Ayokong tumanggap ng pera galing sakaniya.

Pinalabas ko si Trisha at nag antay naman ako dito sa loob kung kailan siya aalis at matatapos.

Kinuha ko ang de keypad na cellphone ko at tinext si Savannah.

To Sav
Sav, kamusta si Allison? Si Gabriel? Kumain naba sila?

Nang isend ko sakaniya ang message ay nag taka ako kung bakit siya tumawag sa akin.

Sinagot ko naman yun, baka importante.

"Sav bakit ka napa—"

"Aly! S-si Allison! Sinugod ko sa hospital, hindi makahinga..!" Naiiyak na bungad sa akin ni Savannah na dahilan para manlamig ng sobra ang katawanan ko.

"S-saang hospital!"

Sinabi ni Savannah ang pangalan ng hospital, nag mamadali naman akong kunin ang mga gamit ko, may ilan pa na nahuhulog dahil nanginginig ang kamay ko sa sobrang kaba.

No please, not again. Wag na po please, hindi ko na kakayanin. Wag mo din kunin si Allison please. Hindi ko na kinaya ang pagkawala ng kapatid ko, wag naman si Allison, please?

Nang maligpit lahat ay nag mamadali akong lumabas, pero kaagad ding nahinto nang mapagtanto kong nasa labas pa pala si Gael.

Nag kaharap kami.

Nakita ko ang gulat sa mata niya, ang pag laki ng kaniyang mata at ang pagbago ng ekspresyon niya.

Mula sa gulat hanggang sa mapalitan ng galit.

Pero hindi ko siya pinansin, binangga ko siya at nag mamadaling lumabas.

Wala akong pakialam sakaniya, kailangan kong makapunta sa hospital.

"Alyssa."

Winaksi ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko at sinamaan siya ng tingin, kaagad na akong lumabas pero pinigilan na naman niya ako.

Isa pa at sasampalin na kita tangina nanganganib ang buhay ng anak ko!

"Ano ba ang kailangan mo? Nag mamadali ako!" Inis sa sabi ko.

"We need to talk."

"About what?! If you want to discuss about the annulment or divorce puntahan mo nalang ako dito! Kasi nag mamadali ako, wala akong oras sayo."

Hindi nakasagot si Gael habang ako naman ay pumara ng taxi. Alam kong mahal ang bayad pag nag taxi pero baka matagalan pa ako pag nag jeep ako.

Sinabi ko kay manong ang location at naluluhang napatingin sa labas ng bintana.

Honestly, wala akong pakialam kung nakita man ako ni Gael ngayon. Gusto ko lang maging maayos ang lagay ni Allison.

Nang makarating sa hospital ay kaagad kong sinabi ang pangalan ng anak ko. Sinabi nila ang room number at kung saang floor at kaagad naman akong pumunta.

"Allison!"

Sinara ko ang pinto at nilapitan ko ang anak kong naka oxygen mask.

Kinagat ko ang labi ko, "Allison.."

"Inatake ng severe asthma si Allison kanina, sinugod ko na agad sa hospital kasi halos di na siya makahinga at di na makapag salita."

Tumango ako, hinawakan ko ang maliliit na daliri ni Allison, patulo na sana ang luha ko nang biglang lumapit sa akin si Gabriel.

"Mama..." May kinuha siyang bagay sa kaniyang bulsa at iniabot sa akin.

Nawindang ako sa nakita ko, hinawakan ko siya sa mag kabilang balikat at pinanlakihan ng mata, "Saan mo nakuha ang relo na ito? Bakit may ganitong relo ka?" This is not a normal watch. This watch belongs to someone. And I know that someone.

Yumuko si Gabriel at kinalikot ang kaniyang kamay, "I'm sorry mama, i know stealing is bad but i couldn't help it. You always work so hard that sometimes you missed you meals." Narinig kong humikbi si Gabriel, marahan kong minasahe ang kaniyang balikat.

"But you shouldn't steal, Gab! Kahit ano pa ang rason mo, kahit gaano pa kahirap ang buhay wag na wag kang mag nakaw!" Hindi ko maiwasang mag taas ng boses, hinaplos ni Savannah ang likod ko para kumalma at doon naman ako natauhan.

Niyakap ko si Gabriel na ngayon ay tahimik nang umiiyak, "I'm sorry, i know you're worried and thank you for worrying about me pero hindi ako natutuwa sa pagkuha mo ng gamit ng iba."

Ginantihan ako ng yakap ng Gabriel, "I'm sorry mama! Gusto ko lang tumulong, isusuli ko nalang po sa may ari ang relo..."

Natigilan ako, "No no.." Pinunasan ko ang luha ko at kumalas sa yakap, "Ako na ang mag sasauli sa relo.."

Niyakap uli ako ni Gabriel na ikinangiti ko, "I'm really sorry mama.. Ayoko lang po na mag kasakit ka mama..! My chest pains everytime Allison can't breathe at ayoko pong pati ikaw po mag kaganun."

Nanginginig ang labi kong hinaplos ang pisngi ni Gabriel.

Magiging okay din ang lahat..

Note: Alam kong bilang lang sa daliri ang nag babasa ng story ko. But stay safe!

Forced Marriage Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ