Chapter 13

4.8K 67 6
                                    

Since Gael is leaving for Taiwan on Monday, we made the decision to hang together for a few days. While Monday is still a few days away, we go shopping, travel, and generally have a great time together.

"Hon?" Tawag sa akin ni Gael matapos kong makalabas sa banyo.

The following day is Monday. Gael made love to me again, but this time he was gentle.

Nag lakad ako patungo sakaniya, umupo ako sa kama at sumandal sa dibdib niya. May kung anong kinuha si Gael sa drawer niya at bahagya akong pinaalis sa pagkakasandal sa dibdib niya.

Nag tataka naman akong napatingin sakaniya pero sinenyasan niya lang ako na hawiin ko ang buhok ko.

"This necklace is a sign of our promise, you promised that you will wait for me and I promised to come back to you."

Naluluha akong napatingin sa kwintas na binigay ni Gael, ito yung kwintas na nagustohan ko noong araw na pumunta kami ng mall!

"Gael.. You, you don't have to buy this for me.."

Kiniskis ni Gael ang tungki ng ilong niya sa ilong ko, "Silly, didn't I told you already? That necklace is a sign for our promise."

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko, "Thank you. Sa akin ka bumalik pag-uwi mo ha?"

Niyakap ni Gael ang bewang ko at isinubsob ang mukha sa balikat ko, "Mamimiss ko ang amoy mo, mamimiss kita."

Natawa ako, "Isang buwan kalang naman doon, besides, pwede mo naman akong tawagan."

"I know, pero mag kaiba ang tawag sa nakikita ka. Gusto ko nasa tabi lang kita, but I really have no choice but to go.. Para sa future nating dalawa yun."

Tila parang may humaplos sa puso ko dahil sa sinabi ni Gael, "Mayaman kana.. Hindi paba secured ang future natin?"

Tumahimik si Gael, "Ang kompanya na pag aari ko ang gusto kong mapalago, hindi ang kompanya ng mga magulang ko. And, stop asking, hindi ba't sinabi ko na sayong sasabihin ko lahat kapag nakabalik na ako?"

I chuckled, "Hindi ka talaga nakakalimot!"

Mas lalong hinigpitan ni Gael ang pagkakayakap niya, "I hate monday.."

I brushed his hair, "Me too.."

"Parang ayoko matulog, gusto ko lang muna kayakap ka."

Bahagya ko siyang tinulak palayo, "Mahaba pa byahe mo bukas. Mag pahinga kana.."

He sighed, humiga si Gael at tinapik niya ang balikat niya habang nakatingin sa akin.

Ngumiti naman ako at umunan doon pagkatapos ay niyakap siya nang sobrang higpit.

Sinulit ko na ang buong gabi kasi bukas ay aalis na si Gael.

"Take good care, okay? Wag kang mag papalipas ng gutom, sa kwarto kalang palagi, if you're bored just call Savannah, if you want pumasyal kayo, but take Manong with you, okay?"

Ngumiti ako at tumango sakaniya, "Ikaw din mag iingat ka.. Call me, okay?"

Hinalikan ni Gael ang noo ko, "Babalik din kaagad ako."

Malungkot akong tumango sakaniya at pinanood siyang pumasok sa kotse na mag hahatid sakaniya sa airport. Sobrang bigat ng dibdib ko at hindi ko na pala namalayang umiiyak na ako kung hindi pa pinunasan ni Manang Rosita ang pisngi ko.

"Tahan na.."

Marahan kong niyakap si manang, I don't why kung bakit sobrang big deal sa akin ang pag alis ni Gael gayong isang buwan lang naman siya sa malayo.

"Stop crying, Alyssa. At pumasok kana sa mansyon, baka may makakita pa sayo dito sa labas."

Nag tataka akong napalingon sa lola ni Gael, her tone change.

Naramdaman ko ang paghigpit ng kapit ni Manang Rosita sa braso ko bago kami sabay na pumasok sa loob.

Akmang aakyat na ako sa kwarto ng bigla akong tawagin ng lola ni Gael.

"Alyssa? Where are you going?" Mataray niyang tanong.

Nag tataka man ay sinagot ko pa din siya, "S-sa kwarto po namin, mag papahinga po.."

She scoffed, "Pahinga? Ano ba ginawa mo ngayong umaga para makaramdam ka ng pagod?"

Napayuko ako, bakit bigla siyang nag tataray?

"Go get me some snacks in the kitchen. Sa Jollibee ka nag tatrabaho hindi ba? So sanay kanang mag serve ng ibang tao?"

Natahimik ako. Napayuko at nakagat ko ang pang-ibabang labi ko, sanay na akong minamaliit ng ibang tao pero masakit pa din sa akin na ang baba ng tingin nila sa taong kagaya ko.

"Lola—"

"Who told you to call me that?! Call me, Señiora~" Nilapitan niya ako at hinawakan ang panga ko, "Not Lola!" At binitawan niya yun na may kasamang pwersa.

"Now, listen to me, from now on, ako.. Ang mamahala sa mansyon, hindi ikaw. Do you understand?"

Matapang ko siyang hinarap, "No, Legal na asawa ako ni Gael.."

"Legal? Matatawag mo ba ang sarili mo na asawa kung may mahal nang iba si Gael? Matatawag mo ba ang sarili mong asawa kung una palang hindi ka minahal ni Gael?!"

Umiling ako, I don't believe her. Hindi man sabihin ni Gael alam kong importante ako sakaniya.

"You don't believe me? Gael was forced to marry someone as lowly as you because his father won't give his inheritance if he won't marry you."

Napaatras ako..

"If you don't believe me, then don't. Ako pa din ang mamamahala sa mansyon. Kasi sampid kalang."

Napahawak ako sa dibdib ko, totoong sapilitan lang ang kasal namin, pero hindi nila sinabi kung bakit kailangan na ikasal si Gael sa akin gayong hindi namam namin sila kilala.

"Madam.." niyakap ako ni Manang Rosita, "Sinasabi ko na nga ba, nag papanggap lang si Señiora sa harap ninyo noong nakaraang linggo eh!"

Napayakap na din ako kay Manang, hindi ko alam ang iisipin ko. Pero nangako ako kay Gael na aantayin ko siya at kapag nagawa ko yun, doon ko malalaman ang buong katotohanan.

"Sige na, Madam.. Pumasok na kayo sa kwarto ninyo at ako na ang bahala sa pinapautos ni Señiora."

Umiling ako, pinahid ko ang namumuong luha sa mata ko, "Hindi.. Hindi na, baka mapagalitan kapa."

Dumeretso ako ng kusina at inihanda ang mga pagkain na iniutos ng Lola ni Gael, pagkatapos ay dinala ko yun sa sala at inilapag sa harap niya.

Ibinaba ni Señiora Isabela ang brochure na hawak niya at kinuha ang juice para inomin nang bigla niya iyong dinura.

"What kind of juice is this!? Ang tamis!"

Nag tataka ako at napatingin sa kaniya kasabay non ay ang malamig na tubig na tumama sa mukha ko.

"Ayan ang nababagay sa mga pobre na katulad mo. Linisin mo yan." Saka ito umalis.

Napayuko ako at kumuha ng basahan, mangiyak ngiyak akong nag pupunas ng sahig.

Kakaalis pa nga lang ni Gael eto na agad ang nangyari sa 'akin.

Gael, do you really think that I can endure one month of this..?

Pinahid ko ang luha ko, hinawakan ko ang kwintas na binigay niya sa akin kagabi bago siya umalis, nangako ka, nangako kayo pareho, Alyssa... He promised that he will tell you everything.. Pagbalik niya.

TO BE CONTINUED

Forced Marriage Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon