Chapter 3

6.2K 91 2
                                    

A week passed, and natutuwa akong wala na akong lagnat at nakakalakad na ako ng maayos. Sa loob ng isang linggo ay si Gael ang nag aasikaso sa akin.

Minsan lang naman kasi kung pumasok si Manang Rosita sa kwarto namin ni Gael, yun ay kapag sinisigawan niya ako. But kapag nasa mansyon si Gael ay hinding hindi makakapasok si Manang.

Hindi ko sinasapuso ang sinabi sa akin ni Gael noong nakaraang linggo, yes, he really took good care of me, but his actions and emotion screams that he really hates me.

Well, Hindi ko rin naman siya masisi.

Kaagad kong kinuha ang bag ko na nasa kama at lumabas na ng bahay, gusto kong pumunta ng hospital para bisitahin ang kapatid kong may sakit.

Hindi na ako nakapag paalam pa 'kay Gael dahil mas maaga pa sa tilaok ng manok yun pumapasok sa trabaho. Ibinilin ko nalang 'kay manang na kapag hinanap ako ni Gael ay sabihin niyang may binisita lang ako.

Hindi na ako nag pahatid pa 'kay Manong at nag taxi nalang papuntang hospital. Kung bibisitahin ko man ang kapatid ko, gusto ko ako lang ang pupunta.

Pagkarating ko ay kaagad akong pumunta sa ICU. Hanggang labas lang ako pero sapat na sa akin yun.

Hinawakan ko ang salamin na nakaharang sa aming dalawa, "Allison.. Kaunting tiis nalang hm? Gagawa ng paraan si Ate magamot kalang. Wag ka mag alala, gagaling ka din, okay? Matatapos din ang paghihirap nating dalawa..."

After that ay umuwi na ako sa mansyon ni Gael, its already 6pm at sigurado akong nasa bahay na si Gael.

Sumakay nalang ulit ako ng taxi, habang papalapit sa mansyon ay may nakita akong bulto ng isang lalaki na nakatayo sa harap ng gate.

"Gael..? Kuya, dito na lang po." Sabi ko at nag bayad na pagkatapos ay bumaba.

Lakad takbo ang ginawa ko makarating lang sa harap ng mansyon ni Gael. Nang makalapit ay tinitigan ko siya, nakapamewang pa ito ay galit na galit ang mukha.

"Where have you been?! Sino ang binisita mo at ginabi ka?" Mag kasalubong ang dalawang kilay ni Gael habang nag tatanong sa akin.

"Hmm relatives.."

Tumaas ang dalawang kilay ni Gael, "Relatives? Pero hindi ka nag pahatid 'kay Manong?" Nag dududang tanong ni Gael.

"Manong is not my personal driver—"

"And who the fuck told you that? Nakalimutan mo bang asawa kita?"

Natahimik ako. Ayoko lang naman itake advantage yung katotohanang mayaman siya...

Napailing iling ito, "Get inside. The next time you want to visit your relatives make sure to tell me. Not manang Rosita, si Manang ba asawa mo at sakaniya mo pinapaalam?"

Naunang pumasok si Gael bago ako, hindi nalang ako sumagot sakaniya at baka masigawan pa ako.

Pagkapasok ko ng mansyon ay nag tataka akong napatingin sa limang taong lumabas. Sino sila? May nasira ba sa bahay? May dala kasi silang tools at hindi ko alam para saan yung mga yun.

"Ano yun—"

"Nag palagay ako ng ilaw sa hagdan. And I told them not to turn it off during night time. Para naman hindi ka mapilayan." Malamig na saad ni Gael.

Lihim akong napangiti. He's cold and he seems heartless but his actions speaks louder that he truly cares the people around him.

"Why are you smiling like an idiot? Get inside. Its getting cold." Sumenyas siya sa akin na pumasok na, kaagad naman akong pumasok, sinalubong ako ng maid sa bahay at sinara nila ang pinto pagkatapos kong pumasok.

Dumeretso ako sa kusina, may mga pagkain nang nakahanda sa mesa. Nag tungo si Gael sa mini bar at kumuha ng isang bote ng alak, kaagad niya yung tinungga habang nakatingin sa cellphone niya.

Tumayo ako at nilapitan siya pero kaagad ding natigilan nang makita kung ano ang tinitigan niya sa cellphone niya.

His girlfriend..

I felt something heavy inside my chest. Hindi ko alam kung anong tawag doon. Siguro dahil pagod ako at ganito ang nararamdaman ko.

Hindi ko nalang inistorbo pa si Gael at kumain nalang, pero nawalan ako ng gana.

Ano ba nangyayari sa akin? Kanina lang masaya ako pero ngayon parang nanghihina ako.

Binilisan ko ang pagkain at nag tungo sa kwarto namin para maligo at mag pahinga. Pagkatapos ay umupo ako sa kama namin. Marahan kong hinaplos yun.

"If only I said no before. Siguro masaya ka ngayon at hindi problemado.." bulong ko sa sarili ko.

Andaming what if's, "Kung humindi ba ako sa alok niya masaya kaya ako ngayon kasama ng taong mamahalin ko?"

Napabuntong hininga ako at gumapang papunta sa pwesto ko upang humiga at matulog..

How I wish he doesn't love someone else. Then maybe there is a chance for both of us..

Forced Marriage Where stories live. Discover now