Chapter 24

4.7K 65 1
                                    

Alyssa POV

"Saan ka galing?" Agad na tanong ko nang makauwi ang aking anak.

He didn't respond, nakatingin lang siya sakin at tila ayaw sumagot.

Nameywang ako, "Saan. Ka. Galing?" I asked, again.

"Ma... Sa mall lang."

Kaagad akong napatayo sa kaba, "Saang mall?"

He didn't respond again which make me more nervous. What if sa mall na pag aari ni Gael siya pumunta? What if nag kita sila?

Kung may sapat na pera lang ako para lumipat sa probinsya, matagal ko na sanang ginawa.

Napaluhod ako, "Gabriel..." Mahinahong tawag ko sakaniya at nginitian siya, "Saang mall ka nanggaling? Tell me, I'm not mad, I'm just worried."

Napayuko si Gabriel at kinalikot niya ang kaniyang kamay, "Ma, I want you to meet someone po..."

Tumaas lang ang dalawang kilay ko hanggang sa may naramdaman akong pumasok mula sa pinto. Nakatalikod ako kaya di mo makita ang mukha niya pero nang harapin ko siya at may halong takot at pangamba akong naramdaman.

But why...? I feel like I don't know him. I feel like he's not Gael.

Nakagat ko ang dila ko, "G-gael.."

He licked his lips and smiled, "I'm not Gael, I'm Alexander."

Tumalim ang titig ko sakaniya at itinagi ang anak ko sa likod ko, "At sino naman ang niloko mo?"

"It's true, I'm not Gael, I'm his twin brother."

Nag salubong ang kilay ko, he didn't tell me that he had a twin brother.

"Baks luto na ang sinaing—ay pota, anong ginagawa niyan dito?!" Gulat na tanong ni Savannah.

The man that called 'Alexander' raised his both hand, "Look, I'm really not Gael," pinakita niya ang pendant niya at binuksan yun. May picture ng babae doon, "She's Hydee, my soon to be wife. And I'm really not Gael. Gael is at his mansion right now, ilang araw na siyang nag kukulong doon."

Hindi parin ako makumbinsi, "What do you want, Gael?" Nilapitan ni Savannah si Gabriel at pinapasok sa kwarto, "Hindi moko mauuto sa ganyan. Wala kang kambal, wala kang sinabi, at kinuwento sa 'akin."

He sighed, "I'm not Gael," pinalibot niya ang kaniyang tingin sa loob ng bahay namin, "I'm sorry for everything. Madami akong dapat ipagtapat sayo pero hindi pa ito ang tamang oras para sabihin sayo lahat. Kailangan mo munang pakinggan si Gael para malaman mo ang katotohanan."

Pagak akong natawa, "Ano paba ang dapat kong malaman bukod sa demonyo ang pamilya mo? Pinatay ng pamilya mo ang kapatid ko, ang anak ko, at ang dalawang taong tinuring kong magulang ko!"

Natigil siya at napalunok, "I'm sorry... Pero kay Gael mo malalaman lahat ng dapat mong malaman. Iba itong bagay na gusto kong sabihin sayo, iba din ang bagay na dapat aminin sayo ni Gael."

Sarkastiko akong natawa, "Alam niyo, pinag lalaruan niyo lang ako eh. Lahat kayo. I feel like I'm nothing but a doll to all of you."

Napalunok si Gael—no, Alexander, "I'm sorry... For everything, Alyssa. I was stupid and blind. Please, hear us out, hear my brother's explanation kasi pakiramdam ko pag hindi kapa nag paramdam sakaniya, mababaliw na siya." He then left, leaving me confused.

Napalunok ako at nag mamadaling lumabas para habulin siya.

"Wait!"

Napatigil ito at nag tatakang tumingin sakin, "If you're not Gael then could you please keep it a secret about, Gabriel?"

Kaagad naman siyang tumango, "Yea, sure. But hindi ba't may karapatan din naman si Kuya na makilala ang anak niya?"

Nawala ang munting ngiti sa labi ko, "He don't deserve it."

"Pero wala siyang kasalanan... Paanong hindi niya deserve yun?" I feel his frustration.

"Wala kang alam." At tinalikuran siya pagkatapos ay pumasok sa loob ng bahay. Napadaosdos ako ng upo sa sahig at napayuko.

Gulong gulo na ako.. Gael ano ba talaga ang pinangako mong sasabihin mo sakin?

Lumabas mula sa kwarto si Savannah at kaagad akong nilapitan, "Baks.. Ayos kalang ba?"

Umiling ako at nanatiling nakayuko, "Gulong gulo na ako, Sav. Hindi ko alam kung ano ang papaniwalaan ko."

Kaagad akong niyakap ni Savannah, "Alam ko at nakikita ko lahat ng mga pinagdaanan mo."

Nag hiwalay kami, tinitigan niya ako mata sa mata, "Pero subokan mo kayang pakinggan muna si Gael? Para mabawasan lahat ng tanong mo sa utak mo... I'm doing this for you, baks. Ayoko na," napaluha si Savannah, "Ayoko nang makita pa kitang sinasaktan mo ang sarili mo..."

Napayuko ako, "Natatakot ako..."

Hinaplos ni Savannah ang buhok ko, "Desisyon mo yun, Alyssa. Susupportahan lang kita. Andito lang ako palagi sa tabi mo, Alyssa."

Tumango ako at niyakap si Savannah. Kinabukasan ay maaga akong pumasok sa trabaho, as usual ginagawa ko ang dapat kong gawin sa trabaho.

Hindi pa din maalis sa isipan ko ang puntahan si Gael at kausapin. I wanted to know the truth. Everything.

So I decided to go at his mansion. Ang mansion na tinakasan ko at tinuring kong impyerno.

Pinindot ko ang doorbell at maya maya lang ay may nag bukas ng gate.

"Sino ho sila—" Nanlaki ang mga mata niya sa gulat, "Alyssa..."

Malungkot akong ngumiti, "Manang..."

Lumabas siya ng bahay at niyakap ako ng mahigit. Namiss ko ang yakap at ang init ng katawan ni manang. Siya ang naging sandalan ko noong mga panahong mahina pa ako.

"Bumalik ka... Mabuti at bumalik ka."

Umiling ako, "Hindi po ako bumalik, kailangan ko lang makausap si Gael. Pwede po ba ako pumasok?"

Tumango si Manang, "Oo naman! Welcome ka dito!"

Kaagad akong pumasok, nanginginig pa ang mga paa ko habang nag lalakad papasok sa mansyon. Ang daming masaya at masakit na alalaa ang pumasok sa utak ko.

"Alyssa..." Tinig mula sa taas ng hagdanan.

Napaangat ako ng tingin at marahang kinagat ang pangibabang labi. He looks awful, bakit mo pinabayaan ang sarili mo, Gael?

"Gael..." Bulong ko.

Please tell me the truth, Gael...

Forced Marriage Where stories live. Discover now