Chapter 9

5.1K 61 4
                                    

Alyssa POV

"Umuwi na tayo. Gutom ka pa ba? Tapos kana bang kumain?" Tanong ni Gael nang makabalik siya matapos nilang mag usap ni Prima.

Umiling ako kahit kumakalam na nag sikmura ko, "Hindi pa ako nagugutom, hindi din nila ako binigyan ng pagkain.."

Nag salubong ang dalawang kilay ni Gael, "Hindi ba nila binigay sa 'yo ang pagkaing inorder ko?"

Umiling ako.

"What, Why?" Pagalit na tanong ni Gael, "I'll be back." Saka ito nag mamadaling umalis.

Napayuko naman ako, 10 minutes bago nakabalik si Gael matapos nilang umalis ni Prima kanina. I'm curious what they talk about.

Ipinalibot ko ang aking tingin, kunti nalang ang mga taong nasa loob ng restaurant, may iba na umaalis na at may iba na kakapasok palang.

Bumuntong hininga ako at maya maya lang ay bumalik na si Gael na may kasamang waitresses.

Nag salubong ang kilay ko dahil sa itsura ni Gael, magulo ang buhok nito at namumula ang mukha, gumagalaw din ang panga niya at galit?

"Gael, what happened?"

Umiling lang ito at sinenyasan na ilapag ang mga dala nilang pagkain. Nag tataka naman akong tingnan ang mga yun bago lumipat ang tingin ko 'kay Gael na ngayon ay nakaupo na sa harap ko.

"Let's eat." Aniya bago sumubo ng pagkain.

Nag tataka man ay kumain nalang din ako since kanina pa kumakalam ang aking sikmura at humahapdi ang aking tiyan sa gutom.

"Hindi na tayo babalik sa restaurant na yun." Biglang sabi ni Gael nang makapasok kami pareho sa kotse.

"Huh? Bakit?"

"They're irresponsible." Sabi ni Gael, gumagalaw ang panga nito at sobrang higpit ng pagkakahawak sa manebela.

"Is it because they didn't serve the food that you ordered?"

"Yes! Goddamn it, ilang minuto akong umalis kasi may kinakausap ako, I thought they already serve the food at nauna kang kumain kaya wala na akong makitang plato sa mesa."

I shrugged, "It's okay. Everyone makes mistakes."

He scoffed and we both fell in silence after that hanggang sa makabalik kami sa mansyon.

Sabay kaming pumasok ng bahay, pero nauna akong pumasok sa kwarto dahil may kailangang tawagan si Gael.

Kaagad akong nag bihis, hindi na ako nakapag linis pa ng katawan dahil sa pagod at antok. Sobrang dami naming dinaanan ni Gael pagkatapos naming kumain bago umuwi.

Humilata ako sa higaan ko at niyakap ang isang unan bago pumikit at natulog.

Kinabukasan, kaagad akong napabangon dahil parang hinahalukay ang tiyan ko. Para akong lumipad sa sobrang bilis kong makarating sa banyo at sumuka sa lababo.

Napadaing ako at hinugasan ang kamay at bibig ko. Napahawak ako sa ulo ko. Ano bang nakain ko?

Dahil ba 'to sa isdang kinain ko kagabi? Pero galing naman yun sa mamahalin restaurant, imposible namang may ilagay silang kung ano doon.

Napabuntong hininga ako at napadaosdos ng upo sa sahig ng banyo. Inaantok pa ako at pakiramdam ko ay nasusuka pa ako, hinilot ko ang aking sintido bago tumayo para maligo.

Pagkababa ko ay sobrang tahimik ng buong mansyon. Mukhang naka alis na si Gael papasok sa trabaho.

Hindi kaya siya mapapagod? Aalis pa kami mamayang gabi dahil birthday ng kaniyang lola.

Forced Marriage Where stories live. Discover now