Chapter 19

4.6K 81 1
                                    

ALYSSA POV

"Sav, paabot ako ng nebulizer ni Allison."

Kaagad namang inabot sa akin ni Sav ang nebulizer, inassemble ko yun at kaagad na isinuot kay Allison ang oxygen mask bago ko in-on.

Hinahaplos haplos ko ang dibdib ni Allison, nakatitig siya sa akin at maya maya lang ay ngumiti.

Nginitian ko siya pabalik, inangat niya ang kaniyang kamay at inabot ko naman yun.

"M-mama, wala pa po ba si papa?" Hinihingal na sabi ni Allison.

Malungkot ko naman siyang nginitian sabay sulyap kay Savannah na naaawang napatingin sa mga bata.

Ngumiti ako, sa nasaksihan ko kaninang masayang bagong pamilya ni Gael, mas lalong dumadami ang dahilan ko para hindi sabihin sakaniya ang tungkol sa kambal.

"Nasa malayo si Papa anak, matagal pa makakabalik yun.."

Malungkot na tumingin sa akin si Allison, "Mama alam po ba ni Papa na may asthma ako?"

Nakagat ko ang pangibabang labi ko, umiling ako at lumuha naman si Allison.

"Kilala po ba kami ni Papa, Mama? Kilala niya po ba si kuya Gabriel?"

Hindi ako makasagot, kung mag sasabi ako ng totoo masasaktan ko lang ang damdamin niya. Kapag mag sisinungaling ako, aasa siya, sila ni Gabriel.

Napasulyap ako kay Gabriel na tahimik lang na nag babasa ng medical books.

He said that he wanted to be a doctor.

Tumayo ako at nilapitan si Gabriel, hinaplos ko ang buhok niya at para maibaling sa akin ang atensyon niya.

"Bakit po mama?"

Ngumiti ako, "Anak grade 3 ka pa lang bakit nag babasa kana ng ganyang libro? Ayaw mo bang mag laro sa labas kasama ng mga kaibigan mo?"

"I don't have friends mama, Allison is my only friend. Kapag mag lalaro ako sa labas magiging lonely po siya kasi wala siyang kasama."

Ginulo ko ang buhok niya, "You're such a good big brother to your brother. Pero nagawa mo na ba mga homework mo? Bakit ganyang libro ang binabasa mo? Sasakit ang ulo at mata mo niyan, anak."

"Done na po ako sa mga homework ko mama. And I really want to become a doctor po para magamot ko si Allison, reading medical books is my hobby po mama... Ayaw niyo po ba mag basa ako ng books?" Nag aalalang sabi niya.

Ngumiti ako, "Hindi naman sa ganun, If you really want to become a doctor then mama will support you. But wag mo uubosin ang oras mo sa pagbabasa ng medical books okay?"

Tumango si Gabriel at kaagad na bumalik sa kaniyang binabasa. Napatingin naman ako kay Sav, kinuha ko ang sling bag ko at nilapitan siya.

"Sav, ikaw na muna ang bahala dito ha? Babalik na muna ako sa trabaho."

"Ingat ka, baks."

Tumango nalang ako at nag paalam na pumara ako ng jeep at bumaba nang makarating ako sa Jollibee.

Nang makapasok ako ay nilapitan ako ni Trisha.

"Teh, kanina pa yang pogi dito, inaantay ka." Turo niya sa lalaking nakaupo sa sofa na nasa gilid.

Nag tagis ang bagang ko at tumango nalang, mabibigat ang hakbang kong lumapit kay Gael.

"Bakit andito kapa?"

Dahan dahan siyang tumingin sa akin, I saw pain and anger in his eyes.

"I said, I wanted to talk to you." Matigas na saad ni Gael.

I scoffed, nilapag ko ang sling bag ko at umupo sa kaharap na upoan, "Saan ba? Sa divorce? annulment? Nasaan na? Pipirma na ba ako? Akin na."

Mapait na napangiti si Gael, "Ganyan ka ba talaga ka atat makawala sa akin?"

"Shouldn't I ask you the same thing?"

Nag tagis ang bagang ni Gael, "You. Cheated on me. Pwersahan man ang kasal natin, pero wala kabang respeto sa akin, Alyssa?"

Napanganga ako at sarkastikong natawa, napahampas pako sa mesa dahil sa sinabi niya.

"Ako? Nag loko? Kapal naman ng mukha mo, Gael Zavier Gonzalez!" Nawala lahat ng emosyon ko sa mukha ko, "You don't have any idea kung anong pinag daanan ko sa loob at labas ng mansyon mo."

"You're such a liar."

"Ikaw ang sinungaling, Gael. You promised na uuwi ka sakin, na babalik ka sakin and guess what? Sa iba ka umuwi, sa iba ka bumalik. Sa ating dalawa, ikaw ang walang respeto sakin. Kung ang nakaraan lang ang pag uusapan natin ngayon, pasensya na at wala akong oras diyan. Dahil kapag inaalala ko lang ang nakaraan, mas lalo ko lang kayong kinamumuhian."

I then stood up and was about to leave, pero bago pa man ako tumalikod ay hinawakan ni Gael ang braso ko.

"What do you mean by that, Alyssa?" Nag tatakang saad ni Gael.

"Let go of me you freak!" Sigaw ko na ikinabigla ni Gael.

Yes, nagulat siya, eh paano ba naman kasi, kung dati sobrang hinhin ko at halos di kayang mag mura ngayon hindi na, lahat nag bago na lahat nabago na.

"Alyssa I don't understand why..."

Pinigilan ko ang luha na gustong kumawala sa mga mata ko, "Ano ba ang hindi mo maintindihan? Eh lahat naman ata alam mo. Tigilan mo na ang pagpapanggap mo Gael, kaya ba inapproach mo ako ngayon kasi hindi mo pa nakuha ang mana na ibinigay sayo ng tatay mo?" Nakita kong natigilan si Gael at nag tatakang napatitig sa mga mata ko.

"How..?"

Mapakla akong natawa, "So hindi pa nga niya naibigay ang mana mo?" Napayuko ako dahil sa luhang kusa nang pumatak sa mga mata ko, "Nang dahil sa pesteng mana na yan! Nang dahil diyan, I was forced to marry you! I was forced to marry someone that I don't even know! At dahil doon nag kanda letche letche ang buhay ko!"

Nag tagis ang bagang ni Gael at nawala lahat ng emosyon sa mukha niya.

"Stop acting like you're the victim here, Alyssa."

Natigilan ako at nag salubong ang kilay kong tumingin sakaniya, mapakla akong natawa. Ano ba 'to? Nakikipag lokohan ba tong lalaking 'to, o ano?

"You. You killed my child."

Forced Marriage Where stories live. Discover now