Chapter 30

4.8K 70 1
                                    


"Hay naku! Wag ka kasi mag jump into conclusion teh! Kaya nga nasira ang relasyon niyo dati kasi nawalan kayo ng 'communication' sa isa't isa diba? I think you should ask him before you judge and make decisions. Baka kasi sa dulo mali ang mapipili mong desisyon."

Natahimik ako, she got a point, pero nagawa kong mag tanong kay Gael dati, pero ano lang ang sagot niya? Na hindi totoo ang pangako niya, na hindi niya ako mahal or ginusto. Hindi paba enough yun para iwanan ko siya?

"Nagawa ko naman mag tanong dati eh, alam mo naman yun."

She sighed, "Oo nga, pero ngayon ba? Nagawa mo bang mag tanong? Kasi siya lang makakasagot sa mga katanungan mo, Alyssa. Stop stressing yourself! Ayokong makita na naman kitang sinasaktan ang sarili mo!"

Napangiti ako, "Thanks baks. Thank you for everything..."

"Ikaw paba, malakas ka sa akin eh. O sige na, ibababa ko na ang telepono, ihahatid ko na si Gabriel."

"Pasabi mag iingat siya at pakisabing mahal ko siya..."

"Okay, ingat ka din diyan! Bye!"

Binaba ko ang tawag at napabuntong hininga, nagugulohan na ako, hindi paba sapat ang nasaksihan ko kanina para mag desisyong itago ulit si Allison at Gabriel?

Kinalikot ko ulit ang mga daliri ko at biglang napatayo nang bumukas ang pinto ng kwarto.

Pumasok si Gael na namumula ang pisngi, na marahil ay galing sa sampal?

"Sorry, natagalan ako, may inasikaso pa kasi ako."

Nag lakad si Gael palapit sa akin at umupo sa katabing upuan, iniharap ko sakaniya ang upoan ko at umupo.

I should I ask him. Tama si Savannah, hindi ko dapat siya husgahan sa isang bagay lalo na't hindi ko naman alam ang buong katotohanan.

"Was... Ahm, girlfriend mo ba siya?"

Nag salubong ang kilay ni Gael at napatingin bigla sa akin, "What? No! She's not, simula nung umalis ka wala akong naging girlfriend kasi asawa pa din kita. Kasal pa din tayo."

Napayuko ako, "So kapag annulled ang kasal natin pipiliin mo siyang maging girlfriend?"

Gael sighed, "No. I would always choose you. Nagalit lang ako sa sinabi nilang pinalaglag mo ang anak natin, but I can't unlove you, Alyssa. Kaya nga tinanong kita kung bakit mo pinalaglag ang anak natin, diba? Because I wanted to know the truth, gusto ko marinig ang explaination mo kung bakit mo ginawa yun. But I can't accept a unreasonable explaination."

Kinalikot ko ang mga daliri ko, itotodo ko na lahat ito, "Totoo ba ang pinangako mo sa akin?"

"Yes. Walang halong kasinungalingan yun, I was serious. You know how much I love a person, Alyssa. But you're different, I have the valid reason to leave you and had a chance to break our marriage but I can't. Mas pinili kong antayin ka at tuparin ang pinangako ko sayo -"

"Then why? Bakit mo sinabi sa akin na para sayo bullcrap lang ang mga pangako mo, na hindi moko mamahalin o magugustohan, kung totoo yung pangako mo sa akin bakit mo sinabi yun?"

"What? I never said that! Ni hindi nga kita macontact for 7 years eh. After ko umalis nawalan na tayo ng communication hanggang sa makabalik ako."

Nag tataka akong napailing, "Then sino? Sino ang sumagot ng phone mo? I called you gamit ang phone ni Jaxon, you answered and said those things to me."

Mas lalong nag salubong ang kilay ni Gael, "No... Wala akong na-recive na tawag galing kay Jaxon after niyang maunang umuwi galing Taiwan."

Natawa ako bigla, pota, pinaglalaruan lang talaga kami ni Gael, kung sino man yan sana wag na siyang mag pakita pa.

Napatingin ako kay Gael, I still don't trust him, nahihirapan na ako mag tiwala sa iba bukod kay Savannah.

"I still don't know how to trust someone... I hope you understand."

Kaagad siyang napatingin sa akin, "I know. Pero tandaan mo sana na kahit kailan hindi ko kayang ilayo sayo si Allison, matapos lahat ng pinagdaanan mo at sakripisyo para sa kaniya, do you think kakayanin kong ilayo siya sayo?"

Natahimik ako, Gael, why do you always treat me nicely? I'm not worthy of it. I don't deserve your kindness.

"So is it alright for you na tumira kayo sa isang mansyon ko? Para mapanatag ako na ligtas kayong dalawa."

Napakapit ako sa braso ko at napaiwas ng tingin, "Mas gusto ko pa din sa bahay namin. Hindi pa ako ready tumira sa iisang bubong kasama ka."

Napayuko si Gael, "I understand. Can you give me your address? Dadalawin ko nalang kayo."

Tumango ako, kumuha ako ng sticky note at sinulat ang address namin. Pinunit ko yun at ibinigay sa kaniya.

Binasa ni Gael yun at tinupi saka tumayo mula sa pagkakaupo.

"Ahm, uuwi na muna ako. Kailangan kong maligo at kumain."

Napakunot ang noo ko, hindi ba't galing na siya sa mansyon niya? Hindi niya pa nagawang maligo at kumain bago dalhin ang mga gamit niya?

Napailing iling nalang ako at umupo sa upoan, baka uuwi din ako mamaya. Si Savannah nalang muna ang pagbabantayin ko dahil kailangan ko din kumuha ng mga gamit.

I hope my decision and action won't dissapoint me, and I hope I will not regret it.

Forced Marriage Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon