Chapter 5

5.9K 84 5
                                    


Wala akong ginawa sa office ni Gael kundi ang mag cellphone at manood ng movie. Nakatatlong movie na ako pero nakatutok pa din si Gael sa laptop niya.

Hindi ba siya nangangalay? Hindi ba siya napapagod or sumasakit man lang ang ulo sa kakatrabaho?

"Ga—"

"Good morning, Sir. Here's your coffee."

Nalipat ko ang aking tingin sa babaeng biglang pumasok sa opisina ni Gael. Pinasadahan ko ng tingin ang buong katawan niya, ang sexy niya sa suot niyang pencil knee skirt at white polo. Maayos naman ang pagkakabutones pero halos lumuwa ang dibdib niya sa sobrang laki.

Napahawak ako sa dibdib ko, kaya ba wala ako non kasi nasalo niya lahat?

Napalunok ako at napaayos ng upo, pero kaagad ding napasulyap sa kinaroroonan ng babae na ngayon ay nasa gilid na ni Gael.

Gael drink his coffee and goes back to work. Ang babae naman ay nakangiti lang na nakatayo sa gilid.

Nakatitig lang ako sa kanilang dalawa pero kaagad ding napaiwas nang tiningnan ako ni Gael.

Kinakalikot ko ang daliri ko at inilibot ang tingin sa buong office.

"Clarisse, makakaalis kana."

"Po?"

"I won't say what I already said again." Malamig na tugon ni Gael na ikinatakot ng babaeng nag ngangalang Clarisse.

"Oh come on, don't act as if nothing happened to us inside your office three years ago.." pagmamayabang nito.

Pabagsak na inilapag ni Gael ang ballpen na hawak niya.

"Nothing happened between us three years ago, Clarisse. You're just being delusional. And stop saying nonsense. My wife is sitting right in front of you. Show some respect and get out."

Napanganga ang babae sa sinabi ni Gael at napatingin sa akin, bago siya mag lakad ay tinarayan niya ako at pumasok na sa elevator para bumaba.

Napatingin ako 'kay Gael, "You don't have to say those things to her.."

"She's being disrespectful and I don't like it. Isa pa, sinabi ko lang sakaniya ang dapat kong sabihin."

Tumahimik nalang ako, well totoo naman na she's being disrespectful, saying those things knowing na may ibang tao sa harap niya, and worst ay asawa pa.

But Gael and I are different, we don't care about each other, wala siyang karapatan sa akin at wala din akong karapatan sa kaniya.

Napabuntong hininga nalang ako at tinutok nalang ang sarili sa panonood ng movie sa phone ko nang bumukas na naman ang elevator.

Pumasok doon ang tatlong gwapo at matangkad na kalalakihan.

"Gael!"

Napasulyap ako 'kay Gael na ngayon ay napahilot nalang sa kaniyang noo.

"Oh, wala pa nga kaming ginagawa na-stress kana agad sa amin."

"Dude, napaka workholic mo naman, labas ka naman minsan."

"Uy sino itong magandang dilag?"

Napatitig ako sa likod ko, I didn't know na nasa likod ko pala siya eh kanina sabay lang silang pumasok.

"Ahh.. Alyssa." Pagpapakilala ko.

"Hi Alyssa, I'm Xyril."

"Prime."

"And I'm Jaxon." Sabi ng lalaking nasa likod ko.

"And I'm Gael, her husband." Singit ni Gael habang nag titipa sa laptop niya at mag kasalubong ang dalawang kilay.

"Woah woah! Really?" Gulat na tanong ni Prime.

Tumango ako at ngumiti, pero kaagad ding nawala nang biglang hawakan ni Xyril ang kamay ko at halikan.

"Damn, ang puti mo! Para kang si Snow White."

"Did you know that I can kill a person in a snap?" Malamig na tonong tanong ni Gael na nakatutok pa din sa laptop niya.

"Chill, eto naman parang kamay lang."

"Just stay away, Xyril. I don't like it, it's not funny." Sabi ni Gael.

Napakamot nalang ako sa batok ko nang tawanan nilang tatlo si Gael.

"Delikado kana. Eh grabe ka ha? Buwan lang ang lumipas matapos kayong nag hiwalay ni Prima nag asawa kana agad?" Saad ni Prime

"Parang  linggo lang ang makalipas matapos mong tanggapin na di na talaga kayo pwede." Singit naman ni Jaxon.

Natahimik ako at napayuko. Siguro yun yung araw na sinigawan ako ni Gael nang tanggapin niyang hindi na talaga sila pwede ni Prima.

"Pwede naba kayong lumabas? The three of you mentioned someone else right in front of my wife." Pagalit na sabi ni Gael.

"Opss," Lumingon sa akin si Xyril "Sorry, Alyssa. Kapag hiniwalayan ka ni Gael sa akin ka tumakbo, ha?"

Tumaas ang dalawang kilay ko, at bago pa man umalis silang tatlo ay hinalikan na naman ni Xyril ang kamay ko.

Sinundan ko sila ng tingin, kumaway sa akin si Prime bago sumara ang elevator.

Nagulat pa ako ng nasa harapan ko na si Gael na may dalang panyo, kinuha niya ang kamay kong hinalikan ni Xyril at pinunasan yun. Nilagyan pa niya ng alcohol.

Napalabi ako at hinaplos ang kamay kong hinawakan niya, tumingin ako sa sahig at parang may kung ano akong kiliting naramdaman sa tiyan ko.

"Uuwi na tayo mamaya maya." Paalam ni Gael.

Tumango lang ako at sumandal sa sofa maya maya lang ay nag simula nang bumigat ang pilik mata ko at nakatulog.

Napadilat ako nang may naramdaman akong tapik sa aking pisngi. Kinusot ko ang mga mata ko at napatingin sa aking harapan.

"Tapos kana ba?" Tanong ko at humikab ako at kinukusot ang mata.

Tumango lang ito ng isang beses at inalalayan akong tumayo, "Uuwi na tayo."

'hmm' lang ang tanging sinagot ko sakaniya, tumayo ako at kinuha ang sling bag ko pagkatapos ay naunang nag lakad papunta sa harap ng elevator.

Inantay ko pang makalapit si Gael since hindi naman ako marunong mag operate nito.

Pinindot ni Gael ang button at maya maya lang ay bumukas na ito, sabay kaming pumasok ni Gael.

Sumandal ako at pumikit habang si Gael naman ay nasa harapan ko, nakatalikod siya sa akin.

"May pupuntahan tayong event this coming Saturday." Saad ni Gael.

Nag tataka akong napatingin sa likod niya, "Saan?"

"It's my grandmother's 67th birthday."

"Ahh.. Then pwede ba tayong dumaan muna sa mall? I'll buy gift."

"No need. Ako na ang bibili and she said that your presence is enough for her."

Tumango nalang ako, nang tumunog ang elevator ay naunang lumabas si Gael, inantay niya pa akong makalabas bago siya nag lakad.

Dumeretso kami sa parking lot ng company nila at gaya kaninang umaga ay pinagbuksan ulit ako ni Gael ng pinto, this time ako na ang nag kabit ng seatbelt ko.

Pagkapasok ni Gael sa kotse ay sinilip pa niya kung naka seatbelt ba ako or kung maayos ba ang pagkakabit ko nito bago niya pinaandar ang kotse at umalis.

Forced Marriage Where stories live. Discover now