Chapter 31

4.6K 66 5
                                    

Alyssa POV

"Sav, Ikaw muna bahala dito ha? Uuwi lang ako saglit. Salamat pala sa paghatid kay Gabriel kanina."

Kaagad umupo si Savannah sa upoan at tinapik tapik ang balikat ko, "Ano ba! Ayos lang yun, tsaka bilisan mo na tehh, susunduin mo pa si Gabriel diba? Half day ngayon yun."

Tumango ako at tumayo mula sa pagkakaupo, hinalikan ko ang noo ng aking anak bago lumabas at nag mamadaling lumabas ng hospital.

Kaagad akong pumara ng jeep at binigay ang bayad kay manong sabay sabi kung saan ako ibababa.

Napatingin ako sa relong pambisig ko at tiningnan ang oras, 50 minutes pa bago ang labasan nila Gabriel kaya napag desisyonan ko nalang na dumaan muna sa bahay. 

Naligo ako at nag bihis, pagkatapos ay kumuha ng mga gamit na gagamitin ni Allison at mga ilang damit ko, pati na rin sabon at shampoo. Nang matapos ay tiningnan ko ang oras, malapit na ang labasan nila.

Inihanda ko ang bag at lumabas ng bahay, susunduin ko na si Gabriel.

Since walking distance lang naman ay nilakad ko nalang papunta sa skwelahan niya. Nang makarating doon ay bigla akong napatigil.

Bakit nandito ang kotse ni Gael na nakaparada sa tapat ng skwelahan?

Bigla akong pinagpawisan kahit nanlalamig na ang likod sa sobrang kaba.

Tumakbo ako papasok sa school at doon ko nakita na mag-kaharap si Gael at Gabriel.

Nakaupo si Gabriel sa waiting area habang nakasquat naman si Gael para mag pantay ang mukha nila. Nakahawak ito sa mag kabilang balikat ni Gabriel at tila gulat na gulat sa kaniyang nakita.

Dahan dahang tumingin sa akin si Gael, nag tatanong ang kaniyang mga mata. Hanggang sa tumakbo si Gabriel palapit sa akin.

Yumakap si Gabriel sa aking mga binti, "Mama! Look po, bumalik po si Kuya Alexander, pero bakit po parang di niya po kamukha?"

Napayuko ako para tingnan si Gabriel at nginitian lang siya, ibinalik ko ang tingin kay Gael na ngayon ay wala na namang emosyon ang mukha, pero ramdam ko ang galit niya.

Mabibigat ang hakbang na lumapit siya sa amin at binulungan ako, "You better explain this to me, Alyssa. Hindi na ako natutuwa."

Napalunok ako sa kaba, sumunod ako kay Gael patungko sa kotseng nakaparada sa tapat.

Binuksan niya ang pinto sa backseat at binitawan ako ni Gabriel at tumakbo palapit kay Gael.

"Don't run, you might trip. Baka masugatan ka."

Binuhat ni Gael si Gabriel at pinaupo sa backseat, pagkatapos ay kinabitan ng seatbelt.

Napangiti naman ako at akmang aalis upang mag lakad nang tawagin niya ako.

"Where are you going?"

"Uhmm.. Uuwi?"

"Get in the car."

Napangiwi ako at sumunod nalang, pinagbuksan ako ni Gael ng pinto at kaagad kong kinabit ang seatbelt ko.

Nang makapasok si Gael ay kaagad niya nang pinaandar ang kotse, ako ang nag tuturo sakaniya kung saan kami liliko, habang panay daldal naman si Gabriel sa likod na kaagad namang sinasagot ni Gael.

"Dito. Tigil mo na yung kotse."

Tiningnan ni Gael ang paligid, "Where? Saan bahay niyo diyan?"

Tinuro ko ang maliit na bahay na pinagitnaan ng dalawang malaki at maganda na bahay.

Actually hindi siya bahay, pinagkabit kabit lang ng dating nakatira ang sako at yero at mga nahanap nilang plywood; which the two old couple na inadopt ako.

Nagulat na napatingin sa akin si Gael na ipinagkibit balikat ko nalang.

Bumaba ako ng kotse at pinagbuksan si Gabriel ng pinto, sumunod naman sa akin si Gael. Binuksan ko ang pinto, kahit papaano may pinto naman ang bahay.

"Yey! Home!"

Tumingin ako kay Gael, "Pasok ka.."

Kaagad na pumasok si Gael, tinalikuran ko na siya para mag handa ng makakakin nang bigla akong may narinig na bumagsak.

Tiningnan ko si Gael, "Ano yun?"

Nakahawak ito sa kaniyang ulo, "W-wala... nauntog ako." Akala ko may bumagsak.

Napakamot ako sa aking noo, hindi ko pala siya binalaan na sobrang baba lang ng bubong. Masyado kasi siyang matangkad kaya nauntog siya.

"Ang lakas nung tunog, hindi ba dumugo?"

Umiling siya, tumango naman ako. Sayang.

"Yumuko ka nalang para di kana mauntog."

Akmang babalik na ako papuntang kusina nang pigilan niya ako, napatingin ako sa kamay niya na nakahawak sa braso ko.

"Bitawan mo ako."

"We need to talk."

Hinarap ko siya, "Then sabihin mo nalang sakin ngayon. Dito mismo."

He smirk, "You sure?" Tumingin siya sa likod ko, "Na gusto mo marinig ni Gabriel ang pag uusapan natin?"

Napatingin ako sa anak ko na ngayon ay nag palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa. Napabuntong hininga ako.

"Fine. Pasok ka sa kwarto, paghahanda ko lang ng makakain si Gabriel."

Tumango siya at pumasok sa kwarto namin. Habang ako naman ay inasikaso si Gabriel.

"Anak, mag uusap lang kami ha? Do your homework at wag ka lalabas."

Tumango naman si Gabriel, hinalikan ko siya sa noo bago tinahak ang kwarto.

Huminga muna ako ng malalim, sana hindi kami mag kagulo.

Forced Marriage Where stories live. Discover now