Chapter 29

4.6K 70 5
                                    


"Ma... ma"

Kaagad kong dinaluhan ang anak ko, "Allison.. Ayos kalang ba nak? Hindi kaba hinihingal?"

Umiling si Allison at nginitian ako, "Mama, ang ganda po ng panaginip ko. Nasa panganib daw po ako tapos iniligtas po ako ni Kuya Gabriel at ni Papa." Masayang kwento niya sakin na naging dahilan upang makonsensya ako.

Tapos nagawa ko pang balakin na itago ulit si Allison sakaniya? Tapos hindi pa niya kilala si Gabriel.

"Gustong gusto mo na ba makilala ang papa mo anak?" Mahinahong sabi ko sakaniya.

Hindi sumagot si Allison pero maya maya lang ay nagawa niya ulit mag tanong, "May papa po ako? Bakit po siya wala? Bakit hindi po natin siya kasama?"

Nakagat ko ang labi ko. Hindi ko na alam kung tama ba ang ginagawa ko sa loob ng pitong taon o naging selfish lang ako at nararamdaman ko lang ang iniintindi ko?

"Kasi nasa malayo kasi ang papa anak—"

Natigil ako sa pagsasalita nang biglang bumukas ang pinto at pumasok doon si Gael na galing sa mansyon para kumuha ng mga damit.

Napatigil siya at napatingin kay Allison, nag tatanong ang mga mata niya at sinenyasan ako kung pwede ba siyang pumasok.

Tumango nalang ako, sunod ay tumingin sa anak ko. Siguro panahon na nga para makilala ni Allison si Gael.

"Anak. Hindi ba sabi ko nasa malayo si papa?" Tumango siya, ngumiti naman ako, "Ngayon bumalik na siya. Andito na ang papa, anak.."

Nanlaki ang mga mata ni Allison, "Talaga po?" Kaagad niyang tiningnan ang katawan niya, "Magugustohan po ba ako ni papa kapag nakita niya po na sobrang payat ko? Hindi po ba niya ako aawayin kagaya po ng mga kapitbahay?"

Kinagat ko ang dila ko para pigilan ang sarili kong umiyak, tumingin ako kay Gael na ngayon ay nakayuko na.

"Hindi. Hindi ka aawayin ni papa." Habang nakatingin pa din kay Gael. Dahan dahan siyang nag angat ng tingin, kita ko ang namumuong luha sa mga mata niya.

"Nasaan po siya mama?"

Nginitian ko si Allison at dahan dahang itinuro si Gael. Naramdaman ko ang mahigit na pagkapit ni Allison sa kamay ko. Dahan dahan akong bumitaw sa pagkakahawak at nataranta naman siyang tumingin sa akin.

Ngumiti lang ako, "Ayos lang anak. Hindi ka aawayin ni papa.."

Umiiling iling si Allison at inabot ulit ang kamay ko, "Ayoko po mama.. natatakot po ako."

Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang pagtayo ni Gael, nilapitan niya si Allison.

Dahan dahan akong napabitaw kay Allsion at nag desisyong lumabas para bigyan ng oras si Gael at Allison.

The moment I stepped outside, the tears that I was trying to stop suddenly burst. Napatakip ako ng bunganga ko, ang sakit sakit,

All these years, I've been trying to protect my children, but now I'm at a loss. Was I being selfish?

Hindi ko magawang ipagtapat kay Gael na meron pang Gabriel, na buhay din si Gabriel at hindi lang si Allison ang anak namin.

I walked back and forth, brushing my hair and biting my lips nang biglang bumukas ang pinto-an ng kwarto.

Kaagad akong napatigil at napalapit kay Gael, "What? Anong nangyari? Ayos lang ba si Allison?"

Nanlulumo si Gael, "He's asking me kung bakit nasa malayo ako, at kung bakit hindi ko kayo kasama ng kapatid niya."

Bigla akong nanlamig, sinabi ba ni Allison ang tungkol kay Gabriel?

Napahilamos si Gael, "Hindi ko alam ang sasabihin sa kaniya na wala na ang kapatid niya. Hindi ko kayang mag sinungaling sa bata."

Napalunok ako, so hindi niya alam ang tungkol kay Gael. Sasabihin ko ba? Ipapaalam ko ba?

"Gael—"

"Love?"

Napatingin ako likuran ko, biglang nanlamig ang buong katawan ko at nanginginig ang paa na napaatras nang makaharap ko ulit si Prima.

Kasama ang Lola ni Gael na tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

Why? Bakit sila pa? Sa dinami-daming tao na makakaharap ko bakit sila pa?

Umatras ako hanggang sa pintuan ng kwarto ng anak ko, mahigpit kong hinawakan ang doorknob para protektahan ang anak ko.

"Love, anong ginagawa mo dito? At bakit mo siya kasama..?"

Love?

Pagak akong natawa, tama lang pala na hindi ko sabihin sakaniya ang tungkol kay Gabriel.

Bigla akong nakaramdam ng sakit sa dibdib ko, gusto niya akong bumalik siya buhay niya pero may ibang tao na ang nag mamay-ari sakaniya.

Tangina mo talaga Gael, hanggang ngayon sinungaling at pinapaikot niyo pa din ang ulo ko.

Napalunok ako, tulong lang ang kailangan mo sakaniya, Alyssa. Wala nang iba.

Mabuti nalang pala at hindi ako umasa.

"What are you doing here?"

Hinawakan ni Gael si Prima sa braso at hinila palayo, hindi pinansin ni Gael ang lola niya at nag paiwan.

Tumingin siya sa akin at dahan dahan akong nilapitan.

"Well well well. Look who's here? Ilang taon na ba? 10? 9?"

Nag tagis ang bagang ko, "It's 7 you bitch." Bumibigat ang paghinga ko at nag iinit ang ulo ko sa sobrang galit.

"Hinding hindi ko makakalimutan ang pagpatay mo sa anak ko, tangina ka."

Napahalakhak siya at pumapalakpak pa, "Ano naman ang laban ng isang babaeng katulad mo? Ni wala ka ngang trabaho at pera."

Mas lalong humigpit ang hawak ko sa doorknob, namumuo na din ang luha sa mga mata ko dahil sa galit, sakit, at pagkamuhi na naramdaman ko.

Kung may tao man akong ayaw makita, walang iba kundi siya lang.

Umiiling iling si Isabela at tinalikuran niya na ako.

Napadaosdos ako ng upo sa sahig dahil sa panginginig ng mga binti ko. Tumutulo na din ang luhang kanina ko pa pinigilan pero nakahawak pa din ako sa doorknob.

That's it! Hinding hindi ko hahayaan si Gael na makalapit pa sa mga anak ko. Kailangan lang namin ng dugo niya at hanggang doon lang yun..


Forced Marriage Where stories live. Discover now