Chapter 1

5.9K 67 0
                                    

Linnea POV

Palabas na ako ngayon sa kompanyang pinagtatrabahuhan ko, isa akong journalist at dahil maaga akong natapos sa mga gawain ko kaya nagpasya na akong umuwi ng maaga dahil wala naman na akong gagawin pa. Habang naghihintay ako ng sasakyan ay biglang may pumarada sa harap ko na isang van, hindi ko na lang binigyang pansin dahil baka aalis lang din ito ngunit ang ikinagulat ko ng bumukas ito at may mga lalaking lumabas at biglang hinila ako.

Hindi ko nagawang sumigaw dahil mabilis ang naging kilos ng mga ito at naipasok agad ako sa sasakyan, ilang beses kung sinubukan ang magpumiglas pero wala din akong nagawa. Nilukob ng kaba ang dibdib ko dahil sa nangyari, wala akong ibang maisip na dahilan kung bakit kinuha ako ng mga ito. Hindi ako mayaman at mas lalong wala akong pamilya dahil bata pa lang ng maulila na ako, kaya ginawa ko ang lahat para makapag aral at magkaroon ng maayos na trabaho para mabuhay. Kaya kung pera ang habol nila sa akin ay nagsasayang lang sila ng oras dahil wala silang makukuha sa akin.

Kahit na sobra na ang kaba na nararamdaman ko ay hindi ko 'yon pinapakita, kailangan kung maging matatag at huwag magpakita ng takot sa mga taong ito.

Mayamaya pa ay bigla akong hinatak ng isang lalaki at ibinaba sa van, sinubukan ko pang mag pumiglas ulit pero mas malakas ito sa akin. Nakita kong may isa pang mamahalin na sasakyan ang nasa harap namin, bigla itong bumukas at inuluwa doon ang isang ubod ng gwapong nilalang.

By his looks I know that he is rich.

Naglakad ito papalapit sa pwesto kung na saan kami, ilang beses akong napalunok habang nakatitig sa kanya.

"Linnea Georgia Villareal," banggit niya sa buong pangalan ko na ikinagulat ko. Hindi ko alam kung bakit kilala ako ng lalaking nasa harapan ko. Ngunit hindi ako nagpatinag sa kanya. He looks so intimidating pero wala akong pakialam dahil hindi ko naman ito kilala.

"Who are you? Bakit mo ako pina kidnap? Wala akong pera na maibibigay sa'yo kaya pakawalan mo na ako." 

He chuckle, ang ganda nito sa pandinig pero iwinaksi ko 'yon dahil mukhang mapanganib itong lalaking nasa harapan ko.

"Iwan niyo muna kaming dalawa at kakausapin ko lang ang babaeng ito," utos nito sa kanyang mga tauhan at mabilis naman silang tumango at lumayo.

Napataas naman ang kilay ko, anong trip ng lalaking ito. May sayad yata ito sa utak!

Nang malayo na ang mga tauhan nito ay bumaling siya sa akin. "Listen to me woman dahil isang beses ko lang itong sasabihin sa'yo. Stop destroying my business! Huwag mong idamay ang pangalan at kompanya ko sa kung ano man ang sinusulat mo dahil maayos ang pamamalakad ko dito at wala akong tinatago." madiin at seryosong turan nito sa akin

Ngayon ko lang napagtanto na may kinalaman ang trabaho ko sa sinasabi ng lalaking nasa harapan ko ngayon. Why would I do that? Why would I follow him? This is my job as a journalist at hindi siya ang makakapag pagtigil sa akin. Ni hindi ko nga siya kilala at hindi ko alam kung may ginawa ba ako sa kanya o wala.

"At sa tingin mo may pakialam ako? Hindi mo ako matatakot! Trabaho ko ito at hindi ako papayag na diktahan ako ng kung sino man lalo na kung hindi ko naman kilala."

Tumawa naman ito na parang nang-iinsulto. "Hindi kita tinatakot I'm just giving you a warning. Huwag ako ang kalabanin mo dahil hindi mo magugustuhan ang gagawin ko. Mark my words Linnea, Huwag ang kompanya ko." madiin na turan nito

"Is that a threat?" I asked.

"What do you think?" He smirked.

Medyo nakaramdam ako ng kaba, kailangan ko makagawa ng paraan para makaalis ako dito. Ilang sandali pa akong nag isip bago makagawa ng isang plano.

"Just let me go at hindi ko na papakialamanan ang kung ano mang meron ka," saad ko.

Sumilay naman ang nakakalokong ngiti sa kanyang labi na animo'y nakarinig ng magandang balita. "Madali ka naman pa lang kausap." aniya at tinawag na ang kanyang tauhan. Nakita ko pa itong may ibinulong sa mga ito saka pumasok sa kanyang sasakyan.

Mabilis naman akong hinatak ng isa sa mga tauhan niya at pinasakay ulit sa van, pagkatapos ng ilang minuto ay nasa tapat na kami ulit ng kompanya kung saan ako nagtatrabaho. Hinayaan nila akong bumaba at saka umalis.

Agad akong pumara ng taxi at sumakay mahirap na at baka bumalik pa ang mga 'yon. Habang nasa taxi ako ay hindi ko maiwasang isipin ang lalaking nakaharap ko. He is so close to be perfect pero wala akong pakialam sa kanya.

'Kung akala niya ay masisindak niya ako ay nagkakamali siya, hindi ko ipagpapalit ang trabaho ko para lang sundin siya, ilang taon kung pinahirapan ito para lang makapagtapos ng pag aaral at hindi ko hahayaan na mapunta lang ito sa wala.' isip ko.

Sa mga sumunod pang araw ay ipinagpatuloy ko ang aking trabaho.Kasama ko ngayon ang bestfriend kung si Ciara, nandito kami sa isang restaurant para kumain ng tanghalian. "How was your job? Sinabi ko naman sayo na lumipat ka na lang ng ibang trabaho, masyadong delikado ang ginagalawan mong mundo dahil diyan sa pinili mong trabaho." anas nito.

"As usual gano'n pa rin naman at walang nagbabago. Alam mo naman na ito talaga ang gusto ko Ciara, hindi ako nag aral ng matagal para lang hindi ma abot ang kung ano man ang meron ako ngayon." saad ko.

"It's just, your work is too risky. Baka magulat ka na lang may nag aabang na sa'yo," bakas sa boses ng kaibigan ko ang pag aalala.

"Don't worry too much Ciara, I can handle myself, sanay na ako sa hirap ng buhay kaya hindi na ako natatakot sa ganito. Ang importante ay masaya ako." anas ko.

Hindi na ito nagsalita pang muli at nagpatuloy na lang kaming kumain. Marami pa kaming napagkwentuhan na dalawa dahil ilang araw din kaming hindi nagkita dahil pareho kaming busy sila sa aming mga trabaho, sa HR kasi siya nagtatrabaho. Isang kompanya lang kami at magkaiba lang na department. Hindi din maalis sa isip ko ang sinabi ni Ciara alam kung concern lang siya sa akin at alam ko din sa sarili ko na nakalagay sa panganib ang buhay ko dahil sa trabaho ko pero ayaw ko naman na umalis at hayaan na lang ang mga bagay na nasimulan ko na at isa pa mahal ko ang trabaho kung ito.

Laking pasasalamat ko na rin dahil hindi na naulit ang nangyari sa akin no'ng  isang araw at hindi ko na nakita pa ulit ang lalaking nakausap ko. Akala niya naman kasi ay matatakot ako sa babala niya, anong akala niya sa akin isang bata na kaya niyang pasunurin sa mga gusto niya. Psh!

Alam kung mayaman ang lalaking 'yon base na din sa kanyang pananamit at marami pa siyang mga kasamahan, hindi ko lang talaga maalala ang pangalan niya pero sigurado ako na malawak ang koneksyon nito.

Billionaire's Series 1 : Hunter's POSSESSION (COMPLETE)Where stories live. Discover now