THE FINALE

347 8 7
                                    

Mahigit isang oras ang nakalipas, bumukas ang pintuan ng operating room, inliuwa nito ang nanlulumong katawan ni Doc Amy. Mabilis na umalis si Allaric mula sa pagka kayakap ng kanyang lolo, at tumakbo papunta sa babaeng doctor.

Pinipigilan ni Doc Amy ang kanyang sarili na mapaluha habang nakatingin kay Allaric na punong-puno ng pag-asa, sa pag-akalang buhay pa ang kanyang ina.

"Tita Amy, si Mommy, kamusta na si Mommy?" puno ng pag-asa na tanong ni Allaric.

Sandaling lumuhod si Doc Amy upang maging pantay sila ng bata. Halatang nahihirapan siyang magsabi ng totoong nangyari sa kanyang ina. "Boy, I'm sorry. Your mom needs you to be strong para sa mga kapatid mo. Gusto pa niyang lumaban ngunit ayaw na ng katawan niya. We have to let her go. Just think that she's now happy with your dad in heaven."

"No, hindi totoo yan!, Buhay pa ang mommy ko! Iniwan na kami ni Daddy, alam kong hindi niya kami iiwan! Mommmmyyy!"

Niyakap ni Doc Amy si Allaric na ngayon ay naglulupasay na sa sahig dahil hindi nito matanggap na wala na ang kanyang ina.

"Mommmy!, Hindi pa patay ang mommy ko! Sinungaling ka! Buhay pa ang mommy ko!" umiiyak na sigaw ni Allaric, habang pinipilit ang sarili na kumawala mula sa higpit na pagkakayakap ni Doc Amy, na ngayon ay umiiyak na rin dahil sa sobrang awa sa bata. Maging ang dalawang matanda ay hindi rin alam kung paano paamuin si Allaric. Sobra ang pagwawala nito, at hindi nila kayang awatin.

"Mommy! Huwag nyong takpan ang mommy ko!" muling sigaw nito ng makita mula sa loob ng surgery room na unti-unting tinatakpan ng puting kumot ang buong katawan ng kanyang ina. Pwersahan niyang tinulak si Doc Amy at patakbo na tinanggal ang puting kumot na nakatakip sa kanyang ina at mahigpit na niyakap ito.

"Mommy, bakit? May ginawa ba akong mali? Bakit nyo kami kailangang iwan ng ganito? Hindi ko pa kaya mommy.. Hindi ko pa kayang alagaan ang mga kapatid ko na wala kayo. Gumising ka mommy!"

Nang makitang hindi na talaga sumasagot ang kanyang ina, muli na naman siyang naglupasay sa sahig. Mayroong tatayo siya, tadyakan ang wall ng operating room, luluhod muli sa ilalim ng kama ng kanyang ina, at pilit ginigising ito.

Parang hindi makahinga si Chairman Harry, habang tinitingnan si Allaric na nakahiga sa sahig na umiiyak. Mabigat ang kanyang mga hakbang papunta kay Amarah. Nakita niya sa mukha nito na parang payapa ng natutulog. Panay ang pahid niya ng kanyang mga luha habang kinakausap ito.

"Amarah, kahit sa kahuli-hulihang pagkakataon, pinatunayan mo pa rin sa amin kung gaano mo kamahal si Marco. Alam kong hindi mo gustong iwanan ang mga anak mo, ngunit binigay pa rin sa inyo ng tadhana ang pagkakataon na muli kayong magkikita ni Marco sa kabilang buhay. Lalo mong pinatunayan sa amin, na mas higit ang pagmamahal kaysa ang maghiganti. Saksi ako kung paano ninyo minahal ang isa't-isa. Naawa lang ako sa anak mo, si Allaric, ang bata pa niya upang pasanin ang malaking responsibilidad na iniwan nyo ni Marco sa kanya. Matanda na rin kami ng lola mo, bilang na rin ang araw namin dito sa mundo, ngunit si Allaric, sino na lang ang gagabay sa kanya? Paano nya pamunuan ang malaking negosyo na iniwan ninyong dalawa?"

Biglang na tahimik si Allaric ng marinig ang bawat salita na sinasabi ng lolo Harry niya. "Don't cry son, Be Brave," muli na naman niyang naaalala ang mga bilin sa kanya ng iniidolo niyang ama. Pinakalma niya ang sarili, at agad na bumangon.

"Kakayanin ko lolo" Nagulat si Chairman Harry ng magsalita si Allaric, madamdamin niyang niyakap ito.

"Hanggat buhay pa ako, tutulungan kita apo, kami ng lola mo. Alam naming kakayanin mo rin ang lahat. Andyan lang sila ng mommy at daddy mo, nagbabantay sa inyong magkakapatid. Hayaan na lang natin silang ipagpatuloy ang kanilang pagmamahalan sa kabilang buhay."






LOVE RETRIBUTION AFTER DIVORCE (She's a demon king's angel)Where stories live. Discover now