EPISODE 40 - SANDRA WAS DECEIVED

151 2 0
                                    

Galit na nagtipa ako sa aking cellphone. “Sabihin mo kay Drako, makipagkita ako sa kanya at sa boss niya.” 

Matapos kong ma send yun sa mafia boss ng Rackets Underground Organization na si Troy, ay agad na akong pumasok sa kuwarto at nagbihis.

“Babe, saan ka ba galing kanina pa kita hinahanap. Ngayon ka lang ba dumating?” bungad kaagad sa akin ni Sandra ng makapasok na ako sa silid namin ni Amarah. Siyempre ayaw kong sabihin na silid namin to ni Sandra, lalo lang kumukulo ang dugo ko.

“May amergency na nangyari sa kumpanya ko kaya dinaanan ko muna.” pagsisinungaling ko habang pinipigilan ang sarili kong hindi lalabas ang aking pagka demonyo.

"Anong nangyari diyan sa noo mo? Bakit ka nagkabukol?"

Ang sarap talaga hampasin ng pagmumukha ni Sandra, magtatanong pa na siya lang din naman ang may kagagawan nito.

"Nauntog ang ulo ko kanina."tipid kong sagot.

“Ganun ba? Siyanga pala babe, may isusurprise sana ako sayo,’’ sabay abot ng pregnancy test sa aking kamay.

Tiiningnan ko ang pregnancy test report at buntis nga siya ng dalawang buwan. 

“Hindi kita ginalaw paanong nabuntis ka?’’ nagtatakang tanong ko sa kanya.

“Babe, nakalimutan mo na ba may nangyari sa atin ng mga nakalipas na buwan, hindi mo siguro natandaan dahil lasing ka nun.

“Kilala ko ang sarii ko. Kahit na lasing na lasing ako nasa matino pa rin akong pag-iisip, kaya huwag mo akong lokohin. Nagpagalaw ka sa ibang lalaki.”

“Marco, Babe, ano ba ang pinagsasabi mo? Anak mo itong dinadala ko. Bakit ba nagkakaganyan ka? Dahil ba kay Ariane, sa babaeng pangit na yun? Alam ko espesyal ang tingin mo sa kanya. Babe asawa mo ako, bakit mo ako sinasaktan ng ganito?”

“Matulog ka na Sandra. Aalis muna ako, mawawala muna ako ng isang linggo, dahil pupuntahan ko ang isang branch ko sa greenland. Sa pagbalik ko na lang tayo mag-usap. Siya nga pala, tumawag si Lolo Harry sa akin kanina, namiss na raw niya ang mga bata, kaya magbabakasyon muna sila doon ng isang linggo sa kabilang isla.”

“Teka bakit agad-agad, hindi naman sila tumawag sa akin ah.”

“Paano sila tatawag sayo, kung minumura mo sila sa tuwing tumatawag sila. Hindi ko nga alam sayo bakit malayo ang loob mo sa kanila, samantala noon, halos ayaw mong umalis sa tabi nila. Ilang buwan pa kitang pinilit para mapapayag ka lang na tumira tayo sa kabilang isla na ito na binili ko.”

“Okay fine, wala ako sa mood para sumbatan mo pa. Advantage din naman sa akin yun dahil malaya akong nagagawa ang gusto ko dito sa loob ng Mansion.” Sige ipadala mo na lang ang mga bata  bukas. Isang linggo lang naman pala eh. Hayaan mo na ang mga matanda na ang mag babantay sa kanila.”

“Alis na ako.” pagkasabi ay agad na akong naghakbang palabas ng pinto dala ang aking backpack.

“Teka babe, di ba sa greenland ang flight mo? Eh, bakit parang aakyat ka sa bundok sa lagay mo na yan?” nagtatakang tanong sa akin ni Sandra nang nasa pintuan na ako.

“Tinatamad akong magdala ng maleta, gusto kong mag backpack na lang dahil isang lingo lang naman. Isa pa wala na akong time para magshopping ng mga kailanganin ko doon, dahil malaki ang problema ng kumpanya doon sa greenland.”

Parang napaniwala ko naman si Sandra dahil nakita kong kumbinsido naman siya sa sagot ko. 

“Siyanga pala, susunduin ng sasakyan ni Lolo Harry ang mga bata bukas. Ipahanda mo sa yaya nila ang kanilang mga gamit.”

LOVE RETRIBUTION AFTER DIVORCE (She's a demon king's angel)Where stories live. Discover now