EPISODE 37 - DIARY

129 1 0
                                    


Habang binubuksan ni Marco ang pintuan, pilit niyang pinapakalma ang sarili upang hindi mahalata ni Sandra na alam na niya na hindi siya ang tunay na Amarah.

"Babe, kanina pa kita hinahanap nandito ka lang pala?" nagmamaktol na tanong ni Sandra nang makita si Marco.

"Bakit?" tanong niya.

"Anong bakit? Babe nakalimutan mo na ba, dadalo tayo mamaya sa birthday party ni Mr. Nathan Cheng. Ang ka business partner ko sa negosyo. Kailangan mo nang maghanda ng e-regalo natin mamaya sa kanya.

"Ikaw na lang siguro ang pumunta, marami pa kasi akong aasikasuhin sa opisina." tinatamad na sagot ni Marco.

"Babe, may problema ba tayo? Akala ko ba, nag-usap na tayo tungkol dito. Hindi pwedeng hindi ka pupunta. Sinabi ko na kay Mr. Cheng na dalawa tayo ang aatend sa birthday niya. Isa pa umaasa yung tao na yun na darating ka dahil pag-uusapan ninyo raw ang tungkol sa business proposal niya sayo.

Nagkasalubong ang mga kilay ni Marco sa sinabi ni Sandra.

"Business Proposal? Ano naman ang kaugnayan ko sa negosyo niya? Hotels and Airlines ang negosyo ko, samantala ang sa kanya, Pharmaceuticals," naiirita na sagot ni Marco.

"Babe, baka nakalimutan mo na malaki ang ambag ng airlines mo sa AMPI (Amara Pharmaceuticals Inc.), dahil napabilis ang pag transport natin ng mga gamot sa iba't-ibang bansa. Malamang baka gusto ka rin niyang maging ka business partner dahil dyan. Paliwanag ni Sandra.

"Ano? Bakit sinabi mo ba sa kanya ang tungkol sa merging ng AMPI at sa Distribution ng Dela Vega Airlines? Hindi mo ba alam na exclusive for AMPI lang ang binigyan ko ng pahintulot para mag transport ng mga gamot? Tayong dalawa lang ang nakakaalam noon. Ayokong gamitin nila ang negosyo ko para magtransport ng mga gamot na hindi muna sumailalim sa matinding pagsusuri. Baka mamaya magugulat na lang ako, bawal na gamot na pala ang tina transport nila."

"Teka bakit ka ba nagagalit? Hindi pa naman tayo sigurado kung yan nga ang business proposal niya ah."

"Matagal ko nang kilala yang Mr. Cheng na yan. Frontline business niya lang ang NC Pharma, pero ang totoo mas marami siyang illegal na negosyo sa Underworld Market," saglit ng natigilan si Marco pagkatapos niyang banggitin ang Underworld Market.

Palihim niyang tiningnan si Amarah na ngayo'y naglalaro sa apat na kambal ngunit alam niyang nakikinig din sa usapan nila ni Sandra. Tiningnan din siya nito, at nahulaan din niya kaagad kung ano ang ibig sabihin ng mga tingin nito sa kanya.

"Ayaw mo ba talagang pumunta? Kung ayaw mo ako na lang." pagmamaktol ni Sandra.

"Ano oras ba ang party nila at saan ang venue? Susunod na ako doon mamaya, may kailangan pa akong balikan at tapusin sa opisina." pagsang-ayon na lang niya.

"7 p.m pa naman mamayang gabi. Ako na lang ang bibili ng regalo. Alam ko namang wala sa bokabularyo mo ang pumunta doon, baka mapahiya pa ako, kahit regalo hindi rin dumating. May himig pagtatampo na wika ni Sandra at agad na tumalikod na sa kanya.

Hinintay muna ni Marco na makaalis si Sandra bago bumalik sa loob ng silid ng quadruplets. Ni-lock niya ulit ang pinto at tinakpan ang cctv.

Madilim ang anyo na kinuha niya kambal sa kandungan ni Amarah at inilipat ang mga ito sa kanilang crib.

"Teka Babe," sambit ni Amarah, ng mahulaan ang nasa isip ng asawa. Nakita niya ang pagpipigil ng emosyon nito mula pa kanina.

Pagkatapos mailipat ang lahat ng kambal, agad na siyang binuhat ni Marco at pinaupo sa kanyang kandungan. Bakas ng pinaghalong emosyon ang makikita sa mga mata nito, habang nakatitig sa kanyang mukha. Ilang sandali pa'y tinawid nitong muli ang pagitan ng mga labi nila. Naging mapusok ang mga halik nito sa kanya, at parang nabuhay muli ang kanyang buong sistema.

LOVE RETRIBUTION AFTER DIVORCE (She's a demon king's angel)Where stories live. Discover now