EPISODE 55 - ANG KILALA MONG AMA AY KAKAMBAL KO

136 4 1
                                    

Alas singko na ng hapon ng makarating sila sa lugar kung saan itinago nila si Sandra. Pagkatapos tawirin ang ilog, di nagtagal ay nakapasok na rin sila sa lumang bahay kung saan ito nakakulong. Pinaiwan nila si Allaric sa loob ng sasakyan, upang mamonitor niya ang mga nangyayari sa paligid. Mayroon lamang dalawang elites siyang kasama doon upang maprotektahan siya sa anumang pwedeng mangyari mamaya. Lahat sila ay nakasuot ng earpiece upang mapanatili pa rin ang komunikasyon nila sa isa't-isa.

"Sandra, pakakawalan ka na namin mamaya, malaya ka ng makakaalis." wika ni Amarah, habang tinatanggalan ng piring ang mga mata ni Sandra. Ngunit lingid sa kaalaman ng babae, mabilis din ang isang kamay ni Amarah sa paglagay ng hidden spy camera sa butones ng damit niya.

Matapos matanggalan ng piring, muling nagliwanag ang mata ni Sandra, habang umiikot ang kanyang paningin sa buong silid. Kahit naghilom na ang kalahati ng nasunog niyang mukha dulot ng acido na binuhos sa kanya ng mga nakaraang buwan, hindi maikakaila na pwede pa ring matakot ang sinumang makakasalubong niya sa daan.

"A..anong ibig mong sabihin na pakakawalan nyo na ako?" nagtataka ang mga mata ni Sandra habang nakatingin sa kanila.

"Nagbago na ang isip namin, Nakahanda na kaming pakawalan ka, basta't ituro mo lang samin kung saan si Alex Montenegro."

Saglit siyang nag-isip,"Ano ang dahilan ba't nagbago ang isip nyo?" She asked.

"Simple lang. Gusto na naming tapusin ang alitan sa pagitan namin ni Alex Montenegro, at ikaw ang makakapag turo sa amin kung nasaan siya."

Palihim na ngumiti si Sandra, dahil nakiayun ang dalawa sa mga plano niya. Alam niyang itatakas na siya mamaya ng kanyang kinilalang ama, kaya tama lang ang pagkakataong ito.

"Mamayang gabi, babalikan ka namin dito upang pakawalan." Wika ni Amarah.

"Teka, bakit mamayang gabi pa, hindi na lang ngayon?" Halata ang excitement at pagdududa sa boses ni Sandra.

"Maliwanag pa ang sikat ng araw ngayon. Alas singko pa lang, nagmamadali ka ba? Gusto lang naming makakasiguro na hindi mo kami traydurin. Mas magandang lumabas ka kapag gabi, walang masyadong makakakita sa atin kapag nilusob na natin ang lungga ng iyong ama." Nairitang sagot ni Marco.

Hindi na nagreklamo pa si Sandra, mamayang alas sais din naman ang takdang oras na pinag-usapan nila ng kanyang ama. Tiyak na hindi din naman magtatagal ang pagsasama ng dalawang ito sa harapan niya.

PAGKATAPOS, iwanan ng mag-asawa si Sandra, mabilis na silang naglakad pabalik sa kotse.

"Babe, sigurado ka bang babalik tayo mamaya? Pagkaraan ay tanong ni Amarah.

"Syempre hindi, Ano naman ang gagawin natin doon? Magpahuli sa mga kalaban? Si Mike na ang bahala sa kanila." Saka niya binalingan si Mike na ngayon ay kasunod na rin nila.

"Mike sinigurado mo ba ang mga tauhan natin?"

"Yes boss, lahat sila ay nakadapa na ngayon at nagkukubli sa mga damuhan upang hintayin ang pagdating ng mga tauhan ni Alex. Lahat ng sulok nitong lugar, maging sa ilog, ay mayroong mga tauhan natin at nakahanda na silang lahat."

"Bumalik ka na sa pwesto mo Mike." Agad na tumalima si Mike at nagkubli na rin sa mga matataas na damuhan.

"Dad, napaaga ang dating nila. Papunta na sila ngayon diyan, bilisan nyo ni mommy at bumalik na sa kotse."

"Fuck,"Agad na nag-alerto si Marco, matapos marinig ang sinabi ng kanyang anak mula sa earpiece na nakalagay sa tainga niya. Mabuti na lang maaga niyang pinwesto ang mga tauhan niya kanina.

"Men, get ready; the enemies will arrive in ten minutes. Hold your fire till I say so. Mike, alam mo na ang gagawin." mabilis niyang utos sa mga tauhan niya mula sa earpiece na nakalagay sa kabila niyang tainga.

LOVE RETRIBUTION AFTER DIVORCE (She's a demon king's angel)Where stories live. Discover now