EPISODE 28 - LOSING HIS MEMORY

229 4 2
                                    

ALAS SYETE na nang gabi, pagod na pagod ang kanyang buong katawan dahil inabot ng pitong oras ang kanyang surgery kay Marco."

"Congratulations doc, for the successful operation." Sobrang saya namin dahil kami ang napili mong mag-assist sayo. "Nasaksihan mismo ng aming mga mata, kung gaano ka kagaling bilang neuro surgeon." Marami kaming natutunan sayo."

"It's okay..salamat din sa lahat, ng pag assist nyo sa akin." Magpahinga na muna kayo"

"Sumang-ayon ang lahat, at nauna na silang lumabas ng operating room, at silang dalawa nalang ni Eramae ang naiwan."

"Era, ikaw muna ang bahala sa mga anak ko..pakisabi nalang sa yaya nila, na bantayan silang mabuti." Kapag naayos na ang lahat, saka nalang sila babalik ng skwelahan para mag enroll." pagod niyang pagkakasabi kay Eramae.

"Huwag kang mag-alala sa kanila, aalagaan ko silang mabuti. "Ikaw, sigurado kabang okay kalang dito?". nag-alalang tanong ni Eramae sa kanya."

"Nagsisinungaling ako kung sasabihin kong okay lang ako Era., namumuo na ang mga luha sa kanyang mga mata." gusto niyang may mapagsabihan ng bigat na kanyang nararamdaman ngayon." Kahit na successful ang ginawa kong surgery sa asawa ko, hindi parin mai-aalis sa akin ang mangamba sa kalagayan niya." Masyadong malaki ang tumor na nakuha ko, kaya naging dahilan ito para mag caused ng bilateral damaged, lalo na sa cerebral cortex at reticular activation system ng utak niya kaya hindi ko alam kung kailan siya magigising.

"Alam kong makakaya mo itong lahat ng mga nangyayari sa buhay mo Amarah." Niyakap siya ni Eramae, habang hinahagod ang kanyang likod upang maibsan, ang bigat na kanyang nararamdaman."

"Pagkatapos ng kanilang pag-uusap ay tinulungan muna siya nitong asikasuhin ang VVIP room na paglilipatan sa kanyang asawa, bago ito nagpaalam atsaka umalis.

"Siya nalang ngayon ang naiwan sa loob ng silid." Umupo siya sa tabi ng kama nito na king size ang lapad at laki. Presidential suit ng hospital, ang kinuha niyang paglilipatan sa kanyang asawa, kaya hindi mo masasabing nasa hospital ang pasyente dahil parang nasa silid lang ito ng kanilang mansion. Kinuha niya ang kamay ni Marco at dinala sa kanya mga labi upang dampian ng masuyong halik."

"I love you babe, kasama mo ako sa kahit anong laban mo, kaya sana patuloy ka ding lumaban para sa amin ng mga anak mo." usal niya sa sarili. nasa ganoon siyang ayos, nang marahang bumukas ang pinto ng silid ni Marco at iniluwa ang katawan ni James."

"Madam, Katleah, ipinatawag mo daw ako." tanong agad nito ng makapasok na sa loob ng silid."

"Habang nagpapahid ng mga luha sa mata, binalingan niya si James..E lock mo muna ang pinto James at maupo dito sa couch.. may kailangan tayong pag-usapan."

"Agad naman siya sinunod ni James, Seryoso na itong nakaupo ngayon, habang nakaharap sa kanya at naghihintay ng kanyang sasabihin."

"James, hindi pa naman kami nagkakilala ni Marco, alam kong matagal ka nang personal secretary niya." Gusto kong sabihin mo sa akin lahat ng mga nangyari sa loob ng pitong taon na magkahiwalay kaming dalawa."

"Madam Katleah, alam kong wala ako sa position para magsabi sayo ng lahat, ngunit dahil asawa ka ni boss sasabihin ko sayo ang lahat ng nalalaman ko." pagsisimula nito.

"Mula nang mawala ka, nawalan na rin ng ganang mabuhay si boss. Hindi na siya pumupunta ng opisina, at hindi narin siya bumababa o lumalabas ng kanyang silid. Ang akala namin ay namatay na siya, ngunit nang buksan ni nanay Martha ang kanyang silid, sinabi niyang wala na ito doon." Ang pagkawala niya ng ilang buwan ay nagdulot ng malaking kaguluhan sa kumpanya." Lahat ng nasa itaas ay gustong pamunuan ito, Marami ring ka competensya niya sa negosyo ang gustong bumili ng shares sa kumpanya, kahit na ang Colster shipping lines ay nag-offer ding bilhin ang kabuuan nito sa mababang halaga." Si Marie ang tumayong CEO noong mga panahong wala si Marco, kaya magkahalong takot at pangamba, ang nararamdaman ko noon dahil kapag pumayag itong ibenta ay mawawala lahat ng pinaghirapan ni boss." Hanggang sa isang araw, lahat ng takot ko ay nawala nang tumawag sa akin si boss, kaya naibalita ko sa kanya ang lahat-lahat na nangyari nung wala siya. Sinabi niya sa akin na ilihim sa lahat ang tungkol sa pagtawag niya, kahit pa na sa kapatid niyang si Marie." Sinisisi niya rin kasi ito ng malaman niyang nakikipagsabwatan ito kay Sandra para sirain kayong dalawa." Hiningi sa akin ni boss ang files ng lahat na mga buwaya sa kumpanya, at lahat ng iyon ay nababalitaan nalang na paisa-isang nagsuicide sa hindi malaman na dahilan," Alam kung si boss ang may kagagawan ng lahat ng iyon." Sa takot ni Marie, hindi na niya tinuloy pa na ebenta ang kumpanya, kaya bumaba siya sa pagiging CEO at hinayaan nalang na ako magpapatakbo nito. Sa totoo lang hindi nila alam na si boss Marco parin ang lihim na namamahala sa likod nito. Lihim akong pumupunta sa pribadong isla na binili niya, sa tuwing may instruction siya at may papipirmahan ako sa kanya." mahabang pagkukuwento nito."

LOVE RETRIBUTION AFTER DIVORCE (She's a demon king's angel)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant