EPISODE 41 - ALEX MONTENEGRO

129 2 0
                                    


Pagkatapos marinig ang sinabi ko, nakita ko si Amarah na tiningnan ng makahulugang tingin si Drako. Nakuha naman ni Drako ang gusto nitong sabihin kaya ito lumabas at hinayaan kaming makapag-usap ng sarilinan ni Amarah.


"Ngayong nakalabas na ang kasama ko, mapagbigyan nyo na po ba ako sa aking kahilingan Boss Demon?" narinig kong tanong niya sa akin.


"Depende, kung paano mo ako kumbinsihin na tulungan ka. Hindi ko sakop ang angkan ng Aerie. Isa pa matagal na silang hiwalay sa pamamahala ng gobyerno ng New York. May sarili silang paniniwala at kultura. At ako bilang Demon King, hindi ako nanghihimasok sa pamumuhay nila dahil labas na sila sa mga organisasyon na hinahawakan ko."


"Kaya ko hinihingi ang tulong mo dahil maraming organisasyon na nasa ilalim mo mismo ang halos nakapasok na sa Aerie. Kawawa ang mundo ng mga Aeta na malayang namumuhay doon. Kayamanan lang naman na nakabaon sa bundok na yon ang habol ng mga tauhan mo. Buti sana kung naghuhukay lang sila, ngunit maliban sa pinapahirapan nila ang mga lalaki, gina gahasa pa nila ang mga babaeng Aeta. Ilang taon na nilang ginagawa ang pagpapahirap sa mga taga Aerie."


Nalilitong tiningnan ko si Amarah. Hindi ko kasi alam na may mga nakatagong kayamanan pala sa Aerie. Kung totoo man na maraming organisasyon na nasa ilalim ng pamumuno ko ang nakapasok na sa loob ng Aerie nang hindi ko alam, sigurado akong may isang tao na gustong sumalungat at kalabanin ako, kaya niya inilihim ito. Nilinaw ko na sa kanila mula pa umpisa na ayaw kong gumawa sila ng isang bagay na hindi ko alam lalo na kapag labag sa aking batas. Bumalik ako sa aking hwesyo, at takang tinanong si Amarah.


"May idea ka ba kung sino sa mga underground organization ang nakapasok na sa Aerie?"


"Dala ko ngayon ang listahan ng mga miyembro ng Aerie simula pa sa panahon ni mommy. Ngunit wala siyang nabanggit na mga pangalan ng underground business na nakapasok na sa Aerie. Sa pagkakaalam ko, unti-unti lang naman silang nakapasok dahil kay Alex Montenegro."


"Itong si Alex Montenegro, gaano na siya katagal na namuno sa Aerie?"


"Sa pagkakaalam ko nagsimula siyang maging Eagle King bago paman mamatay si Mommy. Hindi ko alam kung ilang taon siya, saktong namuno. Ang dati niya kasing galamay ay si Madam Mia na 23 years ang pamumuno bilang temporaryo na Eagle Queen. Walang sinumang pumalit ng totoong Eagle Queen, dahil nasa akin ang kwintas. Malamang more than 23 years na siyang namumuno dahil buhay pa si Mommy nang maging Eagle King siya.


"Kung ganun, bakit hindi na lang kita samahan sa Aerie at ipakita mo yang suot mo na kwintas, patunay na ikaw ang totoong Eagle Queen. Nang sa ganun ma bantayan mo ang bawat kilos ng Eagle King. Hindi mo na kailangan pang labanan si Alex Montenegro."


"Pwede kong gawin yun. Pero balewala ang pagiging Eagle Queen ko kung ang mas makapangyarihan kaysa sa akin ay ang Eagle King. Okay lang sana kung Mabuting Eagle King siya, ngunit hindi. Magkasalungat kami ng panuntunan sa pamumuno. Isa pa halos lahat ng mga mabuting miyembro ng Aerie noon ay nagsanib na rin sa underground organization na pumasok sa kanila. Kahit maging Eagle Queen man ako, walang silbi yun, kung puro halimaw naman ang nasa paligid ko. Hindi ko pa rin magawang ipagtanggol ang mga tao na namumuhay sa Aerie."


"Ano ang gusto mo ngayong gawin ko?" tanong ko kay kay Amarah.


LOVE RETRIBUTION AFTER DIVORCE (She's a demon king's angel)Where stories live. Discover now