EPISODE 39 - DEMON KING 2

126 1 0
                                    

MARCO’S POV

Mahigit isang oras ang nakalipas, nakarating na rin ako sa bahay. Past midnight na pala. Kahit kinakabahan, malaki pa rin ang mga hakbang ko na umakyat sa itaas. Dumiretso ako sa guest room, ngunit agad akong nadismaya ng hindi ko mahanap ang gustong makita ng aking mga mata. Pinihit ko ang door knob sa silid ng mga quadruplets at sumilip sa loob. Pumasok ako ng mahagip kaagad ng aking mga mata ang balingkinitan na katawan ng aking asawa na nakahiga sa couch.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya, at maingat siyang binuhat papasok sa guest room. Kanina pa kasi ako nagpipigil, nadadaig ako ng aking kagustuhan na maangkin si Amarah. Maingat ko siyang inilapag sa kama. Mainit ko siyang hinalikan sa kanyang mga labi. Hindi tumigil ang mga labi ko sa paghalik sa kanya, hanggang sa maramdaman ko na naglambitin ang mga kamay niya sa batok ko, at masuyong na ring niyang ginanatihan ang bawat halik ko. Ang init na aking nararamdaman kanina ay lalong nadagdagan ng siya na mismo ang kusang naghubad ng aking mga saplot sa katawan. Bawat hagod ng kanyang mga kamay sa aking likuran at pagsabunot sa aking buhok, naramdaman kong kahit siya ay nanabik na rin na maangkin ko. 

Kapwa kami hinihingal pareho habang sumasabay sa indayog ng aming mga katawan. Pareho naming tinuklas ang iba’t-ibang posisyon ng pagniniig, hanggang sa pareho na kaming bumagsak sa kama dahil sa sobrang pagod. Niyakap ko siya habang nakadantay ang ulo niya sa mga bisig ko. Nakita ko siyang nahulog sa malalim na pag-iisip. Ayaw kong magtanong, natakot ako na baka tungkol sa demon king ang iniisip niya.

“Babe,” narinig kong tawag niya sa akin.
Yes! sweetheart?” malambing kong sagot sa kanya habang sinisiil ng mainit na halik ang kanyang labi.

“Plano ko sanang pumunta sa Aerie, kaya lang hindi ko alam kung paano. Sabi ni Mommy isang tao lang ang makakatulong sa akin at yun ay si John Bloomberg.”

“John Bloomberg?” Nagtataka kong tanong, dahil kilalang-kilala ko ang taong ito.

“Yes, babe. Nabasa ko sa diary ni mommy na kailangan ko daw hanapin ang Demon King kung gusto kong kalabanin si Alex Montenegro.”

“Alex Montenegro? Teka bakit parang ama ni Sandra ang kapangalan?” nalilitong tanong ko sa sarili.

“Bakit Babe kilala mo si Alex Montenegro?” narinig kong tanong niya.

“Isang tao lang ang kilala kong Alex Montenegro Babe. Siya ang ama ni Sandra. Isa pa, paano naman siya magiging matindi mong kaaway sa Aerie, parang ordinaryong negosyante lang naman siya?” may himig pagtataka ang sagot sa kanya.

“Ewan ko Babe, ngunit sabi ni Mommy mahirap daw siya kalabanin dahil isa siyang Eagle King. At isang tao lang ang pwedeng lumaban sa kanya. Si Demon King. Kailangang may papalit na Eagle King sa kanya, para hindi tuluyang malamon ng kasamaan ang loob ng Aerie. Isa pa nag-alala na rin ako para sa mga anak natin. Ayoko kong mangyari sa kanila ang nangyari sa akin.” Nakita ko ang lungkot sa mata ng aking asawa. 

“Ako ang lalaban sa kanya babe, hindi mo na kailangan pang hanapin si Demon King. Don’t worry, hindi ko hahayaan na magpatuloy ang kanyang kasamaan.” malambing kong sagot habang hinahawi ang ilang strands ng kanyang buhok na nakatakip sa kanyang pisngi.

“Pero babe, malaki ang maitutulong ni Demon King sa atin, upang magtagumpay tayo sa ating mga plano. Gusto kong gawan mo ng paraan, kung paano makausap sina lolo at lola na hindi nalalaman ni Sandra. Kailangan nating mahatid ang mga anak natin sa kanilang mansyon habang wala ako. Utusan mo ang ilan sa mga tao mo sa Delta na higpitan ang pagbabantay sa kanila at huwag nilang hayaan na lumapit si Sandra sa kanila. Ikaw na ang bahalang magpaliwanag sa mga anak mo kung sino si Sandra.”

Napangiti ako sa pagiging alerto ng asawa ko.

“Oh, ano naman ang ngini ngiti- ngiti mo diyan, seryoso ako babe. Nakakainis ka naman eh.” agad akong sumeryoso ng makita ang inis sa kanyang mukha.

LOVE RETRIBUTION AFTER DIVORCE (She's a demon king's angel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon