EPISODE 10 - I LOVE HER DAD

227 7 0
                                    

ALAS, DYES NA NG GABI


Kanina pa siya pabiling biling at pabali-balikwas sa higaan, ngunit hindi parin siya dalawin ng antok. Panay ang labas niya sa kanyang silid upang e check kung dumating na ba si Marco, pero mula pa kanina hindi parin ito bumabalik ng Mansion. Hindi niya rin ito matawagan dahil hindi pa siya nakakabili ng kanyang sariling cellphone.


Nag-alala na siya baka kung ano na ang nangyari sa kanyang asawa. Nangako ito kanina sa kanya na susunod itong uuwi sa bahay pagkatapos nitong ma settle ang problema ng kanilang kompanya, pero bakit hanggang ngayon wala parin siya? Lumabas siya ulit ng kanyang silid upang hintayin ang asawa sa veranda.


( DELA VEGA MANSION)



Magkaharap ngayon ang mag-amang Marco at Don Philip Dela Vega sa Study room. Hindi alam ng kanyang ama kung ano ang isasagot sa mga tanong niya. Bakas ang paghihirap nito na magsalita at hindi ito tumitingin ng diretso sa kanyang mga mata.


"Dad, please.. sagutin mo ang tanong ko! Kilala mo ba kung sino si Don Simon Colster? Bakit siya nagtangkang patayin ako?"


Pauwi na sana siya kanina ng biglang tinamaan ng bala ang dalawang panlikurang gulong ng kanyang kotse dahilan para hindi ito makontrol ni Mang Tomas at agad silang bumangga sa poste. Mabuti na lang at hindi sila napuruhan. Agad siyang pinalibutan ng kanyang mga body guard habang masusi nilang sinisiguro na ligtas ang paligid bago siya palabasin. Habang sa loob ng sasakyan biglang may hindi kilalang numero ang tumawag kay Marco. Nang masagot niya ito, agad siyang natigilan sa sinabi ng kabilang linya.


"Marco!.. Hahaha.. O Ano? Nagustuhan mo ba ang "Honeymoon Surprise ko para saiyo?"


"Ah! so kung ganun ikaw pala, ang may gawa nito sa akin hayop ka?" Matapang ka ha. Bilib naman ako sa guts mo matanda. Pero kilala mo ba kung sino ang binabangga moh?" galit niyang tanong dito.


"Ahahahahaha... Nagpapatawa ka ba? Of course! Kilalang kilala kita Mr. Marco Dela Vega. Pero mas kilala ako ng iyong ama." Bakit hindi mo siya tanungin? Kung ano ang atraso niya sa kay... Don Simon Colster" madiin nitong sagot sa kanya.

"Wala akong pakialam sa atraso sayo ng ama ko. Pero ikaw sa ginawa mo malaki ang atraso mo sa akin ngayon. Tandaan mo, ngayon palang magtago kana sa butas ng karayom dahil hindi kita lulubayan hanggat hindi kita mapapatay." nanggigil na sagot niya sa kabilang linya.


"Ahhahaha..totoo nga pala ang sinasabi nila na may pagka demonyo ang isang Marco Dela Vega. Pero tingnan lang natin kung anong magagawa mo, sakaling may mangyaring masama sa asawa mo!" Hahaha...


"Hindi mo ako matatakot.. Hayop ka!.. Subukan mo lang galawin kahit isang pirasong buhok ng asawa ko, dahil sisiguraduhin kong triple ang sisingilin ko sayo."


"Marco! Marco! sigurado kabang kaya mo akong kalabanin!? Ngayon palang mag-imbestiga kana. Wag kang mag padalos dalos ng desisyon. Ikaw din, isipin mo ang asawa mo.!". Hahahaha... saka nito biglang pinutol ang tawag.


"Hayop ka! Simon Colster!.. parang sasabog siya ngayon dahil sa sobrang galit. Lumabas siya ng kanyang kotse at binigyan ng instructions lahat ng kanyang mga tauhan.

LOVE RETRIBUTION AFTER DIVORCE (She's a demon king's angel)Where stories live. Discover now